Nadine Lustre lashes back at basher calling her "nega at patola kween"

IMAGE Noel Orsal

Hindi raw nagpapaapekto si Nadine Lustre sa bashers at trolls. Sabi pa niya, "What makes you think your words will affect me and put me down?"


Nakipagsagutan si Nadine Lustre sa isang troll sa Instagram kagabi, January 11.

Sa screenshots na ibinahagi ng kanyang mga tagahanga sa Instagram din, makikitang sinagot ng aktres ang isang poser kung saan biniro pa niya ito.

Komento ni Nadine sa post ng troll, “2018 na, poser ka pa ba? Trololo.”

Dagdag pa niya, “@marshmillow00 2018 na, wala na bang bago?”

Sagot ng kanyang poser, “@nadine sayo ba may nagbago? Nega at patola kween ka pa rin.”

Tugon dito ni Nadine, “@marshmillow00 noted. Pero mas marami kang time.”

Dagdag pa niyang komento, “@2marshmillow00 Bakit ka ba galit na galit? Chill ka lang. Gusto mo judge?”


“DON’T BE A TROLL.” Kasunod nito, nagbigay rin ng mensahe ni Nadine sa kanyang followers sa Instagram.

Ayon sa 24-year-old Kapamilya actress, dapat ipalaganap ang pagmamahalan at pagiging positibo ngayong 2018.

Payo pa niya, huwag maging troll.

Pagtatapos ng It's Showtime star, hindi siya apektado ng mga negatibong komento na ibinabato sa kanya at hindi siya magpapatinag sa lahat.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN