Claudine Barretto tells fans to give Mark Anthony Fernandez another chance

IMAGE Instagram photo of Claudine Barretto

Claudine Barretto (center) defends former boyfriend and onscreen partner Mark Anthony Fernandez (left) against bashers: "Walang ginawa si Mark na masama sa inyo... Nakadapa na ang tao ano gusto nyo tapaktapakan pa." In this photo, Claudine and Mark are with Viva Entertainment Group big boss Vic del Rosario Jr.


Nakiusap si Claudine Barretto sa kanyang followers na bigyan ng isa pang pagkakataon ang dati niyang kasintahang si Mark Anthony Fernandez.

Naging tampulan kasi ng negatibong komento si Mark nang mag-post sa Instagram ang aktres noong Miyerkules, January 10.

Sa Instagram post ni Claudine ay makikita niyang kasama ang aktor at top executives ng Viva Entertainment Group.


Stories We Are Tracking

Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite
Claudine Barretto and Mark Anthony Fernandez reunite

Sa comments section, may ilang netizens ang nagbanggit ng pagkakakulong ng aktor nang mahigit isang taon matapos mahulihang may dala ng isang kilo ng marijuana sa Angeles, Pampanga.

Ngunit pakiusap ni Claudine sa kanyang mga tagasuporta: “Lets all give People 2nd Chances.

“Walang ginawa si Mark na masama sa inyo for some of u who want to put him down.

“He never hurt anyone of u but himself.

“Nakadapa na ang tao ano gusto nyo tapaktapakan pa.”

Diin pa niya sa huli, “I pray that we all will have more COMPASSION towards each other.

“Lets lift each other up not pull others down.”


Nag-post din si Claudine ng screenshot ng kanyang komento sa Instagram kahapon, January 11.

COMPASSION & CHANCES

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Samantala, sa isa pang post, binati ni Claudine si Mark Anthony sa pagiging parte nito ng Viva Entertainment.

Hindi nilinaw ng aktres kung makakasama na rin niya si Mark bilang talent ng Viva Artists Agency o magkakaroon sila ng proyekto sa Viva Entertainment.

Ang tanging caption niya ay: “Congratulations Mark. Welcome to ViVa.”

Narito ang ilan pang larawang kuha mula sa meeting nila sa Viva kamakailan:


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN