Claudine Barretto tells fans to give Mark Anthony Fernandez another chance

by Nerisa Almo
Jan 12, 2018
Claudine Barretto (center) defends former boyfriend and onscreen partner Mark Anthony Fernandez (left) against bashers: "Walang ginawa si Mark na masama sa inyo... Nakadapa na ang tao ano gusto nyo tapaktapakan pa." In this photo, Claudine and Mark are with Viva Entertainment Group big boss Vic del Rosario Jr.

Nakiusap si Claudine Barretto sa kanyang followers na bigyan ng isa pang pagkakataon ang dati niyang kasintahang si Mark Anthony Fernandez.

Naging tampulan kasi ng negatibong komento si Mark nang mag-post sa Instagram ang aktres noong Miyerkules, January 10.

Sa Instagram post ni Claudine ay makikita niyang kasama ang aktor at top executives ng Viva Entertainment Group.

STORIES WE ARE TRACKING

Sa comments section, may ilang netizens ang nagbanggit ng pagkakakulong ng aktor nang mahigit isang taon matapos mahulihang may dala ng isang kilo ng marijuana sa Angeles, Pampanga.

Ngunit pakiusap ni Claudine sa kanyang mga tagasuporta: “Lets all give People 2nd Chances.

“Walang ginawa si Mark na masama sa inyo for some of u who want to put him down.

“He never hurt anyone of u but himself.

“Nakadapa na ang tao ano gusto nyo tapaktapakan pa.”

Diin pa niya sa huli, “I pray that we all will have more COMPASSION towards each other.

Continue reading below ↓

“Lets lift each other up not pull others down.”


Nag-post din si Claudine ng screenshot ng kanyang komento sa Instagram kahapon, January 11.

COMPASSION & CHANCES

A post shared by Claudine Barretto (@claubarretto) on

Samantala, sa isa pang post, binati ni Claudine si Mark Anthony sa pagiging parte nito ng Viva Entertainment.

Hindi nilinaw ng aktres kung makakasama na rin niya si Mark bilang talent ng Viva Artists Agency o magkakaroon sila ng proyekto sa Viva Entertainment.

Continue reading below ↓

Ang tanging caption niya ay: “Congratulations Mark. Welcome to ViVa.”

Narito ang ilan pang larawang kuha mula sa meeting nila sa Viva kamakailan:

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Claudine Barretto (center) defends former boyfriend and onscreen partner Mark Anthony Fernandez (left) against bashers: "Walang ginawa si Mark na masama sa inyo... Nakadapa na ang tao ano gusto nyo tapaktapakan pa." In this photo, Claudine and Mark are with Viva Entertainment Group big boss Vic del Rosario Jr.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results