Angelica Panganiban quips about being romantically linked to Sam Milby, "Ayaw, e. Ayaw ako sagutin."

IMAGE Youtube (Malaya music video)

Angelica Panganiban quips about being romantically linked to Sam Milby, "Ayaw, e. Ayaw ako sagutin."


Ikinagulat ni Angelica Panganiban, 31, nang makita ang larawan nila ni Sam Milby, 33, na naka-display sa opisina ng Cornerstone Talent Management.

Si Sam ay co-managed ng ABS-CBN talent arm na Star Magic at independent company na Cornerstone.

Kaugnay ito ng maiksing video na Instagram story ni Angelica noong Sabado, January 13.

Natatawang sabi ni Angelica, "Excuse me! Talaga? Sa opisina niyo talaga?"

Kasabay nito ay ipinakita ng Kapamilya actress ang litrato nila ni Sam na nakalagay sa table ng handler ng binata.


Pagkatapos ay nag-pan ang camera sa puwestong kinatatayuan ng matalik niyang kaibigan na si John Prats.

Ayon kay John, boto siya sakaling magkagustuhan sina Angelica at Sam.

"Pangarap ko talaga 'yan!"

Pabirong hirit naman ni Angelica, tila pa-hard to get pa si Sam.

"Ayaw, e. Ayaw ako sagutin."

Matagal nang malapit na magkakaibigan sina John, Sam, at Angelica.

Kamakailan lang ay nagkatrabaho rin ang tatlo sa paggawa ng music video ng "Malaya" na kinanta ni Moira dela Torre.

Sa naturang video ay gumanap na magkasintahan sina Angelica at Sam.

SINGLE AND AVAILABLE? Off-cam, parehong single sina Angelica at Sam.

Huling nakarelasyon ni Angelica si John Lloyd Cruz. Apat na taon silang naging magkasintahan hanggang sa naghiwalay sila noong January 2016.

September 2017 nang pumutok ang balitang hiwalay na si Sam at non-showbiz girlfriend nitong si Mari Jasmine.

Ngunit hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa direktang nagbibigay ng pahayag si Sam hinggil sa napabalitang breakup nila ni Mari noong 2017.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN