Luis Manzano no comment on ex-GF Angel Locsin's statement about working together

IMAGE Noel Orsal

As a future dad, Luis Manzano wants a relationship with his kid that is the same relationship he had growing up with his father, Edu Manzano: "Kung paano ang relationship namin ni Daddy, marami kaming nagagawa together."


Umiwas magbigay ng komento si Luis Manzano sa sinabi ng dating nobyang si Angel Locsin sa isang interview na bukas itong magkasama sila sa isang proyekto.

Ayon pa sa aktres, nakaya nga nilang magkatrabaho dati nung una silang nag-break.

Ito ay nangyari sa Pilipinas Got Talent, na dating hinu-host ni Luis at kung saan isa sa mga hurado si Angel.

Reaksiyon ni Luis sa pahayag ng ex-girlfriend, “Huwag na akong idamay diyan, okey na yun, ayoko nang madamay diyan.”

Pakli pa niya, “No need, I don’t see the need na mapasama sa ganun.”

Sa kabilang banda, masayang-masaya raw si Luis sa relasyon nila ng girlfriend niya ngayong si Jessy Mendiola.

Ang tanong: handa na ba siyang pagbigyan ang hiling ng amang si Edu Manzano na magkaapo?

Tugon dito ni Luis, “Well, kung ready naman siya, mas ready naman ako.

“Dati ko pa naman sinasabi na gusto ko sana kasabay kong lumalaki ang anak ko.

“Kung paano ang relationship namin ni Daddy, marami kaming nagagawa together.”

Ayon kay Luis, busy ngayon si Jessy sa pag-aaral ng scriptwriting.

Kuwento ng 36-year-old TV host, “Nag-aaral siya kay Ricky Lee ng scriptwriting, learning from the best.

“Kanino ka pa matututo, di ba, the best of the best.

“Nag-designing din siya, so habang, kumbaga, relax siya, she’s learning, which is always good.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang TV host-actor sa set ng ASAP noong Linggo, January 14.

MORE GAME SHOWS. Sa kabila ng pag-iwas ni Luis sa mga tanong namin tungkol sa dating karelasyon, binati naman niya sa kanyang social media accounts ang iniwanang show na Pilipinas Got Talent, kung saan isa pa rin sa mga hurado si Angel.

Saad niya, “Oo naman, sabi ko naman, before anything else, five seasons ang ginawa namin… pamilya ko ang mga tao.

“Di lang sa harap, kasi yung harap naman mga nagpalit na, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang tinutukoy niya ay ang dating judges sa simula ng Pilipinas Got Talent na sina Kris Aquino at Ai-Ai delas Alas.

Sabi pa ni Luis, “Para sa akin, PGT is about the family.

“Di porke’t wala na ako dun, e, wala na akong pakialam sa show.

“Miss? Oo naman, after five seasons na inikot namin ang buong Pilipinas, siyempre nakaka-miss.

“Alam ko yung saya sa likod ng camera.”

Nagpapasalamat din si Luis sa magandang feedback ng show niyang I Can See Your Voice.

Aniya, “Sobra-sobrang thankful kami kasi, unang-una, late kami pumapasok.

“Pero grabe pa rin ang pag-trend namin, feedback ng mga tao, I guess we’re doing a good job.

“Kasi yung mga sing-vestigators, pag may out-of-town sila, mga raket-raket… bukambibig lagi ng mga tao ay I Can See Your Voice.

“Very thankful, lalo na dun sa mga di basta-basta nakaka-online, talagang tumututok sila sa programa.”
 
Hiling ni Luis ngayong 2018 ay mas marami pang game shows ang ipagkatiwala sa kanya ng ABS-CBN.

“More game shows, sana. Pag-uusapan ‘yan, kung ano ang gagawin ko for 2018.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN