Judy Ann Santos on surviving showbiz: "Sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi ko dinama na artista ako."

IMAGE Noel Orsal

Judy Ann Santos: "Yung 2017 para sa akin is all about accepting everything—the change, accepting the trend, accepting that, you know, ang turnover ngayon, ang bilis! I'm grateful na pag nakikita ko kung gaano karami yung mga sikat na teen stars ngayon, napapangiti ka, kasi you were once there. And alam ko yung feeling na yun, and time will come that people will just forget you."


Mahigit 30 taon nang nagtatrabaho bilang artista si Judy Ann Santos.

Nagsimula siya bilang child actress sa soap opera na Kaming Mga Ulila noong 1986. Ang una naman niyang pelikula ay ang Silang Mga Sisiw Sa Lansangan noong 1988.

Thirty-nine years old pa lamang si Judy Ann, peo nakagawa na siya ng mahigit 100 pelikula at teleserye.

At hanggang ngayon, nananatili pa rin siyang aktibo sa showbiz.

Ngunit aminado si Judy Ann na may mga pagkakataong pinagdududahan pa rin niya ang sariling kakayahan.

Pahayag ng Kapamilya actress-TV host, “Kung kailangan kitang iupo para i-explain sa iyong hindi ako confident sa ginagawa ko, iuupo kita, kasi truth be told, baby steps ako ulit.

“Yung 2017 para sa akin is all about accepting everything—the change, accepting the trend, accepting that, you know, ang turnover ngayon, ang bilis!

“I’m grateful na pag nakikita ko kung gaano karami yung mga sikat na teen stars ngayon, napapangiti ka, kasi you were once there.

“And alam ko yung feeling na yun, and time will come that people will just forget you.

“Nandun ako sa gitna, alam mo yun?

“One day, dadami pa ito, dadami pa ito. Kami, pawala na kami nang pawala.

“But then, again, babalik pa rin tayo sa roots na, ‘You know what, life is good!’”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Judy Ann sa blogcon ng pelikulang Ang Dalawang Mrs. Reyes noong Sabado, January 13.

NO REGRETS. Bagamat maraming nagsusulputan at sumisikat na mga bagong artista, hindi pa rin nawawala ang kinang ni Judy Ann.

Reaksiyon niya rito, “Thank you. Thank you, siyempre. Siyempre, nakaka-proud.

“Kaya nga, e, babalik ka dun sa wala akong pinagsisihan sa mga…

“Siguro, kung tinanong mo ako ten years ago kung may pinagsisihan ako sa mga pelikulang ginawa ko dati, sasabihin ko talaga, ‘Oo, marami.’

“Pero ngayon, iba na.

“Kasi, na-realize ko, yung mga ginawa kong pelikula noon, pipitsugin man o dekalidad, pera-pera man or kung ano pa man, ang dami kong natutunan!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dami kong na-experience, sa lahat ng iyon.

“Ang dami kong nakilala—sa pinakamayabang hanggang sa pinakamabait, hanggang sa akala mo tarantado, hindi naman pala.

“Yung ang dami kong na-realize, looking back na, ‘My God!’

“Napakabilis talagang mag-judge ng mga tao. Na parang, oo nga naman, nung time na yun, ang judgmental ko.

“Ayoko ng ganito, ayoko ng ganyan, kasi baka ganito, baka ganyan.

“Ngayon, pag iniisip ko, baka dapat ko din talaga siyang pinagdaanan.

“Kasi, baka kung hindi, iba rin sigurong tao ako ngayon.

“Iba yung pananaw ko sa mga tao sa paligid, na parang totoo, lahat naman talaga ng nangyayari, may ibig sabihin.

“Yung lahat 'yan malalaman mo ang sagot pag mas matanda ka na. Hindi agad-agad.

“Magtataka ka pa nga bakit binigay sa iyo 'yang project na ‘yan.

“Malalaman mo ang sagot after five, ten years... pag tahimik yung utak mo, tapos tahimik yung puso mo.

“Tapos, marami kang nakikitang nagdadaan sa harap mo, mari-realize mo na, 'Iba rin naman, iba rin naman yung pinagdaanan ko, wala naman ding makakapantay dun.'

“Ibang-iba naman din mula sa pang-aapi sa tunay na buhay!” natatawang sabi ni Judy Ann.

Patuloy niya, “Hanggang sa ma-vindicate ko kung saan ako dapat mapunta.

“Nakakatuwa na nakakatawa na nakaka-proud kasi hindi ako naging rebelde.

“Hindi ko dinama... iyon siguro ang pinakamagandang term na puwede kong magamit...

“Sa lahat ng pinagdaanan ko, hindi ko dinama na artista ako.

“Ang dinama ko, yung trabaho ko.

“Dinama ko yung compassion ko sa mga katrabaho ko, nirespeto ko sila kasi nirerespeto nila ako.

“Pero never kong naramdaman kung hanggang saan ako nakarating, kaya siguro nandito ako sa posisyon na I was never confident with any of my projects.

“Hanggang ngayon, sa maniwala ka o hindi, hindi ko mapanood yung sarili ko!

“Yung puso ko, parang laging sinasakal pag may premiere night.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya tuwing matatapos ang pelikula sa isang premiere night, naiiyak ako sa… out of relief na, ‘Lord, thank you, natapos na ito!’

“Ganun ako ka-emotional ngayon.”

Ngayong gabi, January 16, gaganapin ang premiere ng pelikula nila ni Angelica Panganiban, Ang Dalawang Mrs. Reyes, sa SM Megamall Cinema 7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN