Michele Gumabao, Vickie Rushton, Catriona Gray make it to Binibining Pilipinas 2018 official candidates

IMAGE Instagram

Three celebrities make it to the 40 official candidates of Binibining Pilipinas 2018: (L-R) Michele Gumabao, Catriona Gray, and Vickie Rushton.


Tatlong kilalang personalidad ang nakapasok sa Binibining Pilipinas 2018.

Pasok sina Michele Gumabao, Vickie Rushton, at Catriona Gray sa mga 40 opisyal na kandidata ng pinakamalaking beauty pageant sa bansa.

Si Michele, 25, ay isang professional volleyball player at naglaro noon para sa De La Salle University.

Naging housemate din siya sa Pinoy Big Brother noong 2014, ka-batch sina Daniel Matsunaga, Jane Oineza, at Alex Gonzaga.

Kapatid niya ang aktor na si Marco Gumabao, at ama naman nila ang aktor na si Dennis Roldan, na kasalukuyang nakakulong dahil sa kasong kidnapping.

Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, January 16, abut-abot ang pasasalamat ni Michele sa pagiging kandidata niya sa Binibining Pilipinas.

Ito ang unang beses na sasali sa beauty pageant si Michele.

Sa kabilang banda, sina Vickie at Catriona ay pareho nang may karanasan sa pagsali sa beauty pageants at pareho pang titleholders.

Si Vickie ay kinoronahang Mutya ng Pilipinas noong 2011, habang si Catriona ay nanalong Miss World Philippines noong 2016.

Si Vickie, 25, ay dating Pinoy Big Brother: All In housemate at girlfriend ng aktor na si Jason Abalos.

Sukran Cotabato!!! Hanggang sa muli! ♥?♥?♥?

A post shared by Vickie Marie Rushton (@vimrushton) on

Matunog din ang pangalan ni Catriona sa beauty pageant ngayong taon.

Nakapasok siya sa Top 5 ng Miss World noong 2016.

Mula sa 100 aplikante para sa Binibining Pilipinas 2018, pumili ang hurado ng mahigit 50 semifinalists, hanggang sa makapili ng 40 official candidates.

Ginanap ang screening sa loob ng pitong oras sa Kia Theatre sa Cubao, Quezon City, nitong Lunes, January 15.

Narito ang kumpletong listahan ng mga nakapasok na kandidata sa Binibining Pilipinas 2018:

Jerelleen Rodriguez
Jehza Huelar
Angelica Corbe
Juliana Kapeundl
Wynona Buot
Rosantonette Mendoza
Sigrid Grace Flores
Kristie Rose Cequeña
Enalouis Velasco
Ana Patricia Asturias
Muriel Orais
Angelie Aubrey Asuncion
Karen Gallman
Trixia Marie Maraña
Edjelyn Joy Gamboa
Janette Sturm
Sarah Margarette Joson
Janice Roman
Henna Kaizelle Nicole Cajandig
Eva Patalinjug
Anjame Magbitang
Samantha Avestruz
Loren Artajos
Samantha Bernardo
Marie Sherry Ann Tormes
Katherine Ventura
Maria Andrea Verdadero Abesamis
Patrizia Garcia
Mary Joy de Castro
Vickie Marie Milagrosa Rushton
Catriona Gray
Samantha Lemonon
Analiza Vizcarra
Kayesha Chua
Ma. Ahtisa Manalo
Sophia Baino
Agatha Romero
Rose Marrie Murphy
Stephanie Joy Abellanida
Michele Gumabao

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gaganapin ang coronation night sa March 18 sa Araneta Coliseum.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN