Jameson Blake dismisses competition with fellow Hashtags member Ronnie Alonte

IMAGE Noel Orsal

Pinagtatawanan na lamang daw ng Hashtags member na sina Jameson Blake (nasa larawan) at Ronnie Alonte ang pagkukumpara ng netizens sa kanila. Ayon kay Jameson, hindi ito nakakaapekto sa kanilang pagkakaibigan. 


Patuloy pa rin ang pagkukumpara kay Jameson Blake sa kasamahan nito sa Hashtags na si Ronnie Alonte.

Sa kanilang grupo, parehong umaariba ang career nilang dalawa sa telebisyon at pelikula.

Pero hindi raw naramdaman ni Jameson ang kumpetisyon sa pagitan nila ni Ronnie.

Maayos din daw ang pagkakaibigan nila.

Sabi ni Jameson, “A, oo, okay naman kami.

"Hindi naman super close kasi busy din siya, busy din ako.

"We don’t have time really to hang out, pero okay naman."

Aware ba siyang ikinukumpara sila ni Ronnie ng netizens?

Tugon ng 22-year-old actor, “Actually, we’re both aware naman.

"Aware naman siya dun, aware naman ako.

"We just laughed about it na parang natutuwa naman yung mga tao.

“Pero I’m proud of Ronnie, I’m proud of each other, kasi nakita ko yung success niya from Hashtags, tapos nag-boom siya, naging famous.

“Tapos ako din, si McCoy [de Leon]... ganun lahat.”

Ilang pelikula ang nakalinyang gawin ni Jameson ngayong taon.

Ibig bang sabihin nito, kapag lalo siyang sumikat ay iiwanan na niya ang Hashtags?

Sagot niya, “For as long as okay naman sa management ng Hashtags at Showtime, kung okay naman sa kanila na…

"Kaya naman naming pagsabayin ang work, okay lang naman sa akin, kaya ko naman.

“Kaya mas gusto ko na Hashtags pa rin ako, e, kasi dun ako nag-start, e, like, I don’t wanna leave it behind.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jameson sa grand media conference ng pelikulang Mama’s Girl noong nakaraang linggo.

Ipalalabas na ito sa mga sinehan simula bukas, January 17.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN