JC Santos denies relationship with his stylist: "Malas po ang makipagrelasyon sa katrabaho."

IMAGE Noel Orsal

JC Santos on breakup with Teetin Villanueva: "I think [ang] pinakamatatag na reason kung bakit kami naghiwalay is my career. And ayoko naman na maging unfair sa kanya, lalo na ngayon sa industriya natin, ang hirap po na maging artista, demanding po sa time."


Humingi ng paumanhin si JC Santos sa lahat ng mga babae—partikular na kay Ryza Cenon, ang leading lady niya sa Mr. and Mrs. Cruz, at kay Bela Padilla, ang kapareha niya sa 100 Tula Para Kay Stella—na nasangkot at napagbintangang third party sa breakup nila ng kanyang ex-girlfriend na si Teetin Villanueva.

"I’m sorry sa lahat ng mga na-involved, pasensiya na. It happens,” pahayag ng aktor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Viva office ngayong Martes ng hapon, January 16.

Naniniwala si JC na ang pag-amin niyang may problema sa relasyon nila ni Teetin ang nag-trigger para magsalita sa social media ang ex-girlfriend.

Sa isang komento nito sa Instagram ay sinabi ni Teetin na "he cannot be trusted" patungkol kay JC.

"Wala akong masasabi about that," sagot ni JC nang tanungin tungkol sa reaksiyon niya sa mabigat na paratang ni Teetin laban sa kanya.

Patuloy niya, "Kung yun po ang opinion niya, e, di yun lang po talaga."


Stories We Are Tracking

JC Santos admits he and girlfriend are not okay
JC Santos admits he and girlfriend are not okay
JC Santos's ex-girlfriend accuses him of cheating
JC Santos's ex-girlfriend accuses him of cheating
Teetin Villanueva deletes negative comment on JC Santos
Teetin Villanueva deletes negative comment on JC Santos

JC'S STYLIST. Nilinaw rin ni JC ang isyung nag-uugnay sa kanila ng kanyang stylist, na sinasabing third party diumano sa breakup nila ni Teetin.

Ayon sa aktor, "Nasangkot po yung stylist ko, pero medyo malabo yun.

"Ang masasabi ko lang po, malas po ang makipagrelasyon sa katrabaho. Personal stylist ko po siya.

"Nakakalungkot lang po yung mga nangyayari."

Hanggang ngayon ay hindi pa rin daw binabasa ni JC ang social media post ni Teetin kung saan sinabi ng theater actress na hindi mapagkakatiwalaan ang aktor.

"Lagi ko lang po naririnig sa mga tao. Ayoko rin po na bumigat...

"Sobrang affected ako [ng breakup].

"Hanggang ngayon, medyo hindi pa ako…

"Kahapon po, nag-Boy Abunda rin ako. Tinanong din ako. Halos mahilo ako sa stress."

Diin pa niya, "Yun naman po talaga ang katotohanan. Naghiwalay na rin po kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ngayon po, nasa Davao na siya.

"Nag-usap na kami na mag-lay low muna sa ganitong isyu, huwag nang pag-usapan.

"Nag-try kaming mag-usap, pero pareho nang nagkasakitan, both sides.

"I think, one of the reason… na pinakamatatag na reason kung bakit kami naghiwalay is my career.

"And ayoko naman na maging unfair sa kanya, lalo na ngayon sa industriya natin, ang hirap po na maging artista, demanding po sa time."

Iginiit ni JC na mutual decision ang paghihiwalay nila ni Teetin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN