Billy Crawford leaves Arnold Vegafria's management; moves to Viva

IMAGE Jojo Gabinete

Billy Crawford on his decision to leave Arnold Vegafria and move to Viva: "I figured I needed something new. May kailangan akong baguhin. Kasi, may bagong chapter sa buhay ko na mangyayari. I'm not getting any younger, I'm 35. This year, I'll be 36. So, I think, I was praying really hard for a long time na siguro sana masagot ako ng Panginoon, and this is what God gave me."


Kumalas na si Billy Crawford sa ALV Talent Circuit ni Arnold Vegafria pagkatapos ng sampung taon.

Ngayong Martes ng hapon, January 16, ay pumirma ng five-year exclusive contract sa Viva Artists Agency (VAA) ang Kapamilya singer-TV host.

Paglilinaw ni Billy, wala silang kontrata ni Arnold at sarili niyang desisyon ang lumipat sa Viva, na pag-aari ni Vic del Rosario Jr.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Walang nag-convince sa akin.

"In all honesty, ako ang nag-reach out sa Viva.

"I called Miss Veronique [del Rosario-Corpus, VAA’s big boss]. I was the one who called Boss Vic del Rosario.

"I figured I needed something new. May kailangan akong baguhin.

"Kasi, may bagong chapter sa buhay ko na mangyayari.

"I’m not getting any younger, I’m 35. This year, I’ll be 36.

"So, I think, I was praying really hard for a long time na siguro sana masagot ako ng Panginoon, and this is what God gave me."

Ngayong taon ay ikakasal si Billy sa kanyang fiancée na si Coleen Garcia.

Patuloy ng It's Showtime host, "Sa tingin ko, with Viva, titriple yung trabaho ko.

"I think, the platform kasi, lahat nasa Viva. It’s really wide. It’s global.

"Lahat siguro, lahat ng artist, lahat ng management, no matter what company, there’s ups and downs.

"You can’t get away from reality, kahit anong mangyari."

Naging maayos naman daw ang pakikitungo sa kanya ni Arnold.

Ayon kay Billy, "In fairness naman sa ten years ko na katrabaho si Arnold, he’s been a very good friend din.

"I just wanted to change and I wanted to have a new beginning and to grow as an artist, as a producer, as a songwriter, not necessarily as an actor, but maybe, more of a performer."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN