Raquel Pempengco still does not accept Jake Zyrus as a man

IMAGE Courtesy: Raquel Pempengco Facebook account

Hindi pa rin tanggap ni Raquel Pempengco ang gender preference ng anak niyang si Charice Pempengco, na ngayon ay kilala na sa pangalang Jake Zyrus. Iisa lang daw kasi ang lalaki sa kanilang angkan, at ito ay ang kanyang isa pang anak na si Carl Pempengco. 


Mukhang hindi pa rin tanggap ni Raquel Pempengco ang pagiging transgender man ng anak niyang si Charice Pempengco, na kilala na ngayon bilang Jake Zyrus.

Sa kanyang Facebook post ngayong Miyerkules, January 17, binati ni Raquel ang “kaisa-isang lalaki” sa kanilang angkan na nagdiriwang ng kaarawan—ang bunso niyang anak na si Carl Pempengco.

Mensahe niya: “Happy Birthday Son Carl Ceiven Relucio Pempengco...ang kaisa isang lalaki sa Pempengco Clan…”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Raquel kung hindi ba niya maituturing na lalaki si Jake.

Ngunit tanong lang din ang sinagot niya sa amin.


 

Hunyo ng taong 2017, inanunsiyo ni Charice na magbabago na siya ng pangalan na ikinagulat ng kanyang mga tagahanga at pamilya.


Stories We Are Tracking

Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!
Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN