Ronnie Alonte opens up about relationship with Loisa Andalio

IMAGE Ronnie Alonte Instagram

Ronnie Alonte is inching to confirm there's more to his closeness to Kapamilya teen star Loisa Andalio. "Gusto kong magpakatotoo lang… Wala pa dun sa ine-expect nila, pero sana. Mahal namin ang isa't isa," he says.


Open na ngayon sina Ronnie Alonte, 21, at Loisa Andalio, 18, sa pagpu-post ng mga larawan na magkasama kung saan may sweet messages sila para sa isa’t isa.

Happy new year sa lahat ng sumosoporta at nag mamahal! #2018 #????

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

Maagang pag bati ng maligayang pasko sainyo! ????????

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

wearing the smile you gave me.

A post shared by Loisa Andalio ???????? (@iamandalioloisa) on

Wala pa man diretsahang pag-amin mula sa kanila, mukhang sapat na ang mga larawang ito bilang kumpirmasyon na may espesyal na namamagitan sa kanila.
    
Sa studio ng ASAP nung nakaraang Linggo, January 14, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ronnie kung bakit biglang-bigla ay naging bukas sila ni Loisa tungkol sa kanilang relasyon.
  
Tugon niya, “Siguro dahil 2018 na, isa yun, gusto kong magpakatotoo lang.

“Ano naman kung i-post ko siya? Kahit naman hindi ako mag-post… iniisip nila na girlfriend ko.

“So, magpu-post na lang, tsaka may mga projects kami na nakahanda, dun ako excited.”
 
Ayon pa kay Ronnie, ito ang kauna-unahang pagkakataong magkakasama sila ni Loisa sa isang proyekto.

“Oo, first time. Maganda kasi nung first, nag-Magandang Buhay kami, masaya e.

“Masaya ang mga tao, positive ang mga tao na masaya kaming dalawa… hindi siya negative.”
 
Ano na ba talaga ang label ng relasyon nila ni Loisa?

Tugon ni Ronnie, “Super-duper duper, sobrang close namin, kami ang nagkakaintindihang dalawa.

“Wala pa dun sa ine-expect nila, pero sana.

“Mahal namin ang isa’t isa, kaibigan, siyempre bata pa siya, bata pa ako.

“Kailangan naming magtrabaho nang husto para may marating.”

Exclusively dating na ba sila?

“Hindi ako sumasama kahit kanino, siya din,” mabilis niyang pakli.

Kung anuman, may mutual understanding na raw sila.

“Parelasyon na yun.

"Sana hanggang dun muna tayo... huwag muna agad-agad, lalo na ngayon.

“Mahirap kasi wala pa kaming work, magkaka-work pa lang kami.”
  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN