Ronnie Alonte defends Tom Doromal in death of Franco Hernandez: "Hindi siya puwedeng husgahan"

by Melba R. Llanera
Jan 17, 2018
Ronnie Alonte on Hashtags after Franco Hernandez's death: "Medyo maganda ang relationship namin, kasi nga nagbago na kami lahat. Hindi na kami nagkakanya-kanya. Naging problema dati 'yan, pero ngayon parang magkakapatid na talaga kami."

Dinepensahan ni Ronnie Alonte si Tom Doromal, na nabuntunan ng sisi dahil sa drowning incident na ikinamatay ng kanilang kamiyembro sa Hashtags na si Franco Hernandez.

Si Tom ang nagyaya at isa sa mga kasama ni Franco nang maganap ang malagim na insidente noong November 11, 2017.

Ayon kay Ronnie, “Si Tom naman, okay siya, tinatawanan lang niya ang mga isyu na ganun.

“Kumbaga nga, ang mga tao, ang mga bashers, hindi naman nila alam ang istorya.

“Kahit nga kami… si Tom na lang ang makakapagsabi niyan, alam niya ang buong istorya.

“Hindi siya puwedeng husgahan. Madaling manira, madaling magsalita."

????????????????????????????

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

May pahayag din si Ronnie kaugnay ng naging salaysay ng girlfriend ni Franco na si Janica Nam Flores tungkol sa pagkalunod ng nobyo.

Sabi niya, “Kahit naman yung babae, hindi natin alam kung totoo ang sinasabi niya o hindi.

“Si Franco lang ang makakasagot niyan.”

STORIES WE ARE TRACKING

Sa kabila ng pagkamatay ng isa sa kanilang kamiyembro, sinabi ni Ronnie na mas naging buo raw ngayon ang all-male group na Hashtags.

Continue reading below ↓

Pahayag niya tungkol sa kanilang grupo, "Medyo maganda ang relationship namin, kasi nga nagbago na kami lahat.

“Hindi na kami nagkakanya-kanya.

"Naging problema dati ‘yan, pero ngayon parang magkakapatid na talaga kami.

“Hindi na kami hirap magtrabaho, hindi na mabigat."

Patuloy niya, “Tingin ko din kasi, hindi natin masasabi ang panahon, e.

"Hindi nga natin ini-expect na yung isang tao, mawawala.

“Siguro nakatulong din yun na huwag natin sayangin ang isa’t isa, suwerte tayo kasi magkakapatid na tayo dito.

“Sabi ko sa kanila, huwag na tayong magplastikan dito, kasi tayo lang ang magkakapatid.

“Ayoko nang mangyari yung ganun, lalo na sa akin, mahirap.

“Kasi si Franco, sobrang lagi niya akong pinupuri… lalo na lagi ko siyang nakakasama.”

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ronnie Alonte on Hashtags after Franco Hernandez's death: "Medyo maganda ang relationship namin, kasi nga nagbago na kami lahat. Hindi na kami nagkakanya-kanya. Naging problema dati 'yan, pero ngayon parang magkakapatid na talaga kami."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results