Kim Chiu on being a Judy Ann Santos fan: "Life goals kasi talaga si Judy Ann."

IMAGE Noel Orsal

Kim Chiu calls Judy Ann Santos "life goals." (Right photo) Kim could not hold back her tears upon seeing Judy Ann at the premiere night of the latter's latest movie, Ang Dalawang Mrs. Reyes. 


Sa premiere night ng pelikula nina Judy Ann Santos at Angelica Panganiban, Ang Dalawang Mrs. Reyes, noong Martes, January 16, nakaagaw ng pansin kung paano naluha at nagpaka-fangirl si Kim Chiu kay Judy Ann.

Nakunan pa ng video ang eksena kung paano tinukso si Kim ng kaibigang si Bela Padilla kay Judy Ann.

Game namang nakipagkulitan si Judy Ann kay Kim.


Stories We Are Tracking

Kim Chiu fangirls over Judy Ann Santos at movie premiere
Kim Chiu fangirls over Judy Ann Santos at movie premiere

Lahad ni Kim, “That time, tinutukso ako ni Bela, so parang...

"E, kakapanood ko pa lang ng movie nila, so dalang-dala pa ako sa emosyon.

“So, parang nakita ko siya, ‘Oh, my God!’ Nakaka-starstruck!

"Tapos naiiyak na lang ako, na di ko malaman."

Sabi pa ng 27-year-old Kapamilya actress, “Life goals kasi talaga si Judy Ann.”

Nakasama na dati ni Kim ang tinaguring Queen of Teleserye sa isang endorsement, pero kinontrol daw niya ang kanyang emosyon para sa idolo nung pagkakataong iyon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa finale presscon ng teleserye niyang Ikaw Lang Ang Iibigin, nitong Huwebes, January 18.

FAN AS A CHILD. Ayon kay Kim, hindi pa siya artista noon ay idolo na niya talaga si Judy Ann, 39.

“Sobrang tagal na. Hindi pa ako artista, lagi kong sinasabi idol ko talaga siya, e.

“E, nung movie niya, as in super iyak siya, and then ang galing-galing niyang umarte—magpatawa, magpaiyak.

"‘Oh my God, ‘yan ang nilu-look up ko pag umaarte ako.’ Ta's parang andito sa harap ko, tapos tinukso lang ako kaya naiyak ako.

"Sabi ko, ‘Bela, kukurutin talaga kita!’” natatawang kuwento ni Kim.

Dagdag pa niya, “Bata pa ako, nasa bahay pa lang ako, maliit na bahay pa ang tinitirhan namin, napapanood ko naman siya.”

Pati raw kung paano dalhin ni Judy Ann ang kanyang personal na buhay ay hinahangaan ni Kim. 

“Sa personal, paano niya hinati yung career life niya, sa family life niya, tapos nahahati niya ang oras niya sa gusto niyang gawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yun lang yung nakikita ko na nag-aral siyang magluto, naging sobrang sikat na artista, and ngayon meron siyang happy family with three kids.

"So, parang ang ganda ng pagkakahati niya sa buhay niya. Yung ganun.

"Tapos artista pa rin siya hanggang ngayon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN