Nadine Lustre, James Reid closer to each other after her brother's death

IMAGE Instagram @twbaofficial

James Reid says his relationship with girlfriend Nadine Lustre became stronger after the tragic passing of her younger brother last year.


Ibinahagi ni Nadine Lustre na masakit man ang biglaang pagpanaw ng 16-taong gulang niyang kapatid noong October 2017, nag-iwan ito ng matinding aral sa kanilang pamilya.

Pahayag ni Nadine, “Unang-una sa lahat na natutunan ko is to appreciate everything around you.

“Kasi hindi mo alam kung hanggang kailan lang or kung gaano lang katagal magla-last ‘yang mga ‘yan sa ‘yo.

“So, as long as it’s there, you have to appreciate it.

“All the people that you love, give them 110 percent of your attention, yung care mo, pagmamahal mo.”

Magkasabay na nakapanayam si Nadine at boyfriend niyang si James Reid sa January 19 episode ng ABS-CBN late-night talk show na Tonight With Boy Abunda.

Ayon kay Nadine, malaking bagay ang pagkakaroon ng open communication, lalo na sa mga taong nakararanas ng depression tulad ng kanyang namayapang kapatid.

“I’m gonna admit, hindi ako masyadong nakapag-spend ng time with my brother.

“Because when I’m at home, he's in school. Minsan naman, I’m at work.

“So, communication talaga.

“I feel like a small step could go along way.”

Patuloy ng aktres, “If I had talked to him more, or if I had opened up to him or he had opened up to me, baka I could have changed what happened.

“But I believe din that what's meant to happen will happen.

“What happened to my brother was ang laking lesson na ibinigay, not just sa akin but to my whole family as well.”

OPENING UP TO JAMES. Ayon naman kay James, mula noon ay mas naging bukas at lumalim ang tiwala nila ni Nadine sa isa't isa.

“After that whole thing, that’s when Nadine started opening up to me.

“I think, after that, she really learned to open up and trust me with her emotions.”

Sa February 11 nakatakdang ipagdiwang nina James, 24, at Nadine, 24, ang kanilang ikalawang taon bilang magkasintahan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Stories We Are Tracking

Ex-Battalion embroiled in copyright issue over hit song
Ex-Battalion embroiled in copyright issue over hit song
Heart posts photo with Jericho's wife
Heart posts photo with Jericho's wife
Kim Chiu:
Kim Chiu: "Life goals kasi talaga si Judy Ann."

Ano ang sikreto ng matatag nilang relasyon?

Sagot ni Nadine, “It’s just really about trust and communication.

“Like, 110 percent you give your trust to the person.

“Mahirap kung mayroon kang kahit konting doubt lang sa mahal mo.

“I had that. I went through that with James in the beginning of the relationship.”

Patunay raw nito ay ang pagrespeto nila sa privacy at personal space ng isa’t isa.

Sabi ni Nadine, “We just don’t check each other's phone.”

Dagdag ni James, “She uses my phone. If she asks for my phone, she can use it.”

Paglilinaw ulit ng dalaga, gamitin man niya ang mobile phone ni James ay hindi siya yung tipong babasahin pati phone messages nito.

Sang-ayon ni James, “I don’t check her phone.”

LIVE-IN ISSUE. Sa huli, hiningan ang couple ng reaksiyon sa live-in issue na ipinupukol sa kanila.

Ngunit tumawa lamang si James, habang si Nadine ay tumangging palawigin pa ang isyu.

"Yung sagot namin diyan, we'll keep it just for us na lang.

"If we're not okay, if we're okay, para sa amin na lang yun."

Sabay, natatawang hirit ni James, "Exactly, it's 2018!"


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre bids goodbye to controversies about her
Nadine Lustre bids goodbye to controversies about her
Nadine Lustre:
Nadine Lustre: "Don't tell me how to live my life."
Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN