Sofia Andres calls out fan who flashed dirty finger at her during a mall show

IMAGE Instagram account of Sofia Andres

Sofia Andres took to Twitter yesterday, January 20, to call out a guy in the audience who flashed his dirty finger at the actress while she was singing onstage during a recent mall show.


Dismayado ang ABS-CBN actress na si Sofia Andres dahil sa isang insidenteng naganap sa isang mall show na kinatampukan niya kamakailan.

Kahapon, January 20, ay nag-post ang 19-year-old Kapamilya celebrity sa Twitter tungkol sa isang lalaking kabilang sa audience na diumano'y nagtaas ng kanyang middle finger habang umaawit ang aktres, na kasalukuyang nagpu-promote ng pelikula niyang Mama's Girl.

Sabi niya, "i wonder who was the guy showing me his middle finger the entire time while i was singing on stage & took a photo of me with that gesture. wow."

Marami namang netizens ang nagulat sa ginawa ng lalaki at nagpahayag ng kanilang simpatiya para sa aktres.

May ibang mga fans din na nagsabing ginawa rin ito ng lalaki habang kumakanta ang Kapamilya love team nina Janella Salvador at Elmo Magalona, na kasama rin sa naturang mall show.






WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN