Agot Isidro on Rappler clampdown: "I stand with press freedom."

IMAGE Rachelle Siazon

Agot Isidro on Rappler clampdown and its ominous threat to press freedom: "I think tayo, on guard tayo, kasi kung nagagawa nila 'yan sa media outfit, puwedeng mangyari sa atin 'yan. Siguro, I'm just seeing things long-term na baka pati tayo, hindi na tayo puwedeng magsalita."


 "I stand with press freedom."

Ito ang pahayag ng actress-singer na si Agot Isidro tungkol sa pag-revoke ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa lisensiya ng online news site na Rappler.

Ayon sa SEC, ang tanging dahilan sa kanilang pag-revoke ng license ng Rappler ay dahil sa paglabag nito sa foreign ownership guidelines ng SEC.

Ganunpaman, marami ang bumatikos sa desisyong ito ng SEC, at marami ring sektor ang naniniwalang ito ay direktang pag-atake ng gobyerno sa freedom of the press.

Ipinahayag ni Agot ang kanyang saloobin tungkol sa isyung ito.

Saad niya, “Kailangan ng lahat—pati rin naman... it’s like doing a film, kailangan mo ng feedback.

“It’s like doing any other works, kailangan mo ng feedback.

“Dun sa inilalahad lang naman nila kung ano ang nakikita nila.

“So, kapag hindi ka nakarinig ng feedback and you’re just doing things on your own without getting any criticism or even encouragement, hindi mo alam kung saan ka lulugar.

“Hindi mo alam na ang ginagawa mo, mali na pala, nakakaapekto ng marami.

“Yun lang naman ang sa akin, and I guess that's press freedom—for people to say what’s really happening, and they should use is as a tool for improving their services, their performance.

“Kailangang-kailangan yun,” pagbibigay diin niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Agot Isidro sa press conference ng pelikula niyang Changing Partners, sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN compound, Quezon City, noong January 19.

POLITICALLY-MOTIVATED ATTACK? Hindi raw masabi ni Agot kung politikal ang dahilan ng nangyayari ngayon sa Rappler.

Aniya, “I think tayo, on guard tayo, kasi kung nagagawa nila ‘yan sa media outfit, puwedeng mangyari sa atin ‘yan.

“Siguro, I’m just seeing things long-term na baka pati tayo, hindi na tayo puwedeng magsalita.”

Kung sakaling matuloy ngang tuluyang maipasara ang Rappler, ano ang nakikita niyang puwedeng maging epekto nito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“E, di maraming magsasara.

“'Eto,” sabay tukoy sa network na ABS-CBN.

Pabirong hirit niya, “Wala nang Probinsyano.”

Ang tinutukoy ni Agot ay ang long-running primetime series ni Coco Martin sa Kapamilya network, FPJ's Ang Probinsyano.

Matatandaang mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang nagsabing siya mismo ang hahadlang sa pag-renew ng license ng network dahil sa pagharang nito sa kanyang campaign ads noong 2016 presidential elections.

Sa tingin ba niya, pagkatapos ng Rappler, posibleng ABS-CBN naman ang pag-initan?

“Hindi naman. I don’t think so, I don’t think so.

“I still have high hopes. I’m hoping na things will be better. May chance pa.

“Papayag ba ang mga tao na hindi sila makapanood ng Ang Probinsyano?” natatawang pangwakas na hirit ni Agot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN