Agot Isidro's best weapon against bashers: the block button

IMAGE Noel Orsal

Agot Isidro reveals how she deals with her bashers: "Kapag medyo rude na sila, block na lang. Kaya may block button. Yung iba naman, kapag nag-e-engage ako nang maayos, bakit naman hindi, di ba?"


“Wala, wala akong judgment sa kanila!” natawang sagot ni Agot Isidro nang tanungin kung ano ang judgment niya sa bashers niya sa social media.

Isa si Agot sa mga artista na matapang magpahayag ng kanyang saloobin o komento sa mga nangyayari sa gobyerno.

Dahil dito, marami sa supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte ang umaatake sa kanya.

Paano niya hina-handle ang mga batikos laban sa kanya sa social media?

Ayon kay Agot, “Kapag medyo rude na sila, block na lang.

"Kaya may block button.

“Yung iba naman, kapag nag-e-engage ako nang maayos, bakit naman hindi, di ba?

“Minsan hinahayaan ko, pero kapag sinabihan na ako ng gaga, sinabihan na ako ng ganun, 'Teka muna, hindi mo ako kilala.'”

Hindi na raw niya sinasagot ang mga ito. Ang ginagawa niya, block agad.

Minsan nga raw, kahit mga magagandang komento, hindi na rin niya nababasa.

“Kasi, parang after a while, ayaw mo nang basahin ang thread.

“Hayaan mo na sila,” kibit-balikat niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press si Agot sa press conference ng pelikula niyang Changing Partners, sa 9501 Restaurant, sa ABS-CBN compound, sa Quezon City, noong January 19.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN