Xian Lim to Star Magic: "There will never be any goodbyes."

IMAGE Instagram

(Main photo) Xian Lim at the Viva office for his contract signing this Tuesday, January 23. Later that evening, the actor posted a photo (right) of himself with Star Magic founder, Mr. Johnny Manahan. Star Magic handled the actor's career for almost nine years. 


Pinasalamatan ni Xian Lim ang Star Magic, talent arm ng ABS-CBN, na nag-manage ng kanyang career sa loob ng halos siyam na taon.

Kahapon, January 23, pormal nang umalis ang 28-year-old actor sa poder ng Star Magic nang pumirma siya ng five-year management at 10-picture deal sa Viva Artists Agency at Viva Films.


Stories We Are Tracking

Xian Lim leaves Star Magic and moves to Viva
Xian Lim leaves Star Magic and moves to Viva

Sa pamamagitan ng Instagram post kagabi, nagbigay-pugay si Xian sa Star Magic.

Mensahe niya, “Thank you to my Star Magic family for an 8 year long journey.

"Maraming salamat sa lahat ng naibahagi nyo sa akin at sa pagmamahal."

Pinasalamatan din ni Xian ang kanyang handler na si Gidget dela Cuesta at Star Magic executive Mariole Alberto sa paggabay ng mga ito sa kanya.

“To my handler ate Gidge thank you for always being there for me and listening to my every concern.

“Ms. Mariole maraming salamat po sa lahat ng wisdom na naibigay nyo po sa akin. Thank you for listening to my late night kakulitan.”

Pagpapatuloy pa ng aktor, “No words can express my gratitude.

"I will always be thankful and grateful sa lahat ng pinagdaanan natin.

"There will never be any goodbyes, just see you around."

Mula sa pagiging modelo, pinasok ni Xian ang showbiz at naging talent ng Kapamilya network simula noong 2008. 

Mula sa pagganap ng supporting roles, binigyan siya ng lead role sa teleseryeng Katorse (2009), kasama sina Erich Gonzales at Ejay Falcon.

Lalong umalagwa ang kanyang career nang maipareha siya kay Kim Chiu, at tinawag ang kanilang tambalan bilang KimXi.

Kabilang sa mga teleseryeng pinagsamahan nila ay ang My Binondo Girl (2011), Ina, Kapatid, Anak (2012-2014), at The Story of Us (2016).

Se pelikula naman, pumatok ang tambalan nila sa Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo? (2013) at Bride for Rent (2014).

A post shared by Xian Lim (@xianlimm) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN