Julie Anne San Jose on meeting Benjamin Alves's parents: "Everything was cool."

IMAGE Noel Orsal

Hanggang ngayon ay hindi pa rin umaamin si Julie Anne San Jose kung nag-level up na ang relasyon nila ni Benjamin Alves. Pero ayon sa Kapuso singer-actress, "Wala naman po kaming itinatago. Basta… kung ano po yung nakikita niyo sa amin."


Halos dalawang taon nang nagdi-date ang Kapuso stars na sina Julie Anne San Jose at Benjamin Alves.

Pero hanggang ngayon ay wala pa ring tuwirang pag-amin ang dalawa kung nag-level up na sila mula sa getting-to-know-each-other stage.

Sabi ni Julie Anne, “Hindi naman po kami... never naman po kami nagtago.

"Basta… kung ano po yung nakikita niyo sa amin."

Kailan lang, nagkuwento si Benjamin na naipakilala na niya si Julie Anne sa kanyang mga magulang.

Ano ang naramdaman ni Julie Anne nang ma-meet niya ang pamilya ng aktor?

Tugon ng 23-year-old singer-actress, “Okay naman po.

"Noong una po, kinakabahan po ako.

"But nung magkakasama na po kami lahat, parang nawala po lahat, because everything was cool.

"And hopefully sana, magkaroon pa ulit kami ng chance na magkikita-kita po ulit, kasi nasa Guam po sila, e."

Paminsan-minsan din daw ay nagba-bonding sila ni Benjamin sa kanilang bahay dahil mahilig sila parehong manood ng pelikula.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julie Anne sa presscon ng upcoming concert niyang #Julie.

Ginanap ang presscon sa Executive Lounge ng GMA Network Center, sa Timog Avenue, Quezon City, ngayong Miyerkules, January 24.

Kasamang humarap sa press ng tinaguriang Asia’s Pop Sweetheart ang direktor niya sa concert na si Marvin Caldito.

Gaganapin ang concert sa Music Museum ngayong Sabado, January 27.


DREAM COLLABORATION. Inamin ni Julie Anne na marami siyang gustong makasama sa pagkanta sa labas ng GMA Network, kaya nilisan niya ang GMA Records at lumipat sa Universal Records.

Sabi niya, “Gary Valenciano... I also want to collaborate with Ate Jona Viray.

"Si Gary po talaga, ‘yan yung mga ultimate."

Umaasa rin siyang makatrabaho ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo, na talagang idolo niya noong bata pa lamang siya.

Aniya, “Of course, hopefully, sana dumating po yung araw na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko pa po siya nami-meet in person, gusto ko sana siya ma-meet.

“Hopefully po, sana po, sobrang idol.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN