Did Shy Carlos convince Xian Lim to transfer to Viva?

IMAGE Allan Sancon

Nang nagkasama noon sina Shy Carlos at Xian Lim sa isang episode ng MMK ay naging close ang dalawa at nagkakausap tungkol sa kani-kanilang career. Pag-amin pa ni Shy, tinanong niya si Xian kung gusto nitong magpa-manage sa Viva Films. Ngayon ay nasa bakuran na ng Viva ang dating Star Magic talent.


May kinalaman ba ang young actress na si Shy Carlos sa paglipat ni Xian Lim sa Viva Films at Viva Artists Agency (VAA) mula sa Star Cinema ng ABS-CBN?

Ito ang tanong ng reporters na nakausap ni Shy sa premiere ng pelikulang Mr. & Mrs. Cruz sa SM Megamall Cinema 7, Martes ng gabi, January 23.

Kahapon pumirma si Xian ng kontrata sa Viva, kung saan din nakakontrata si Shy.

Nagkatrabaho sina Shy at Xian sa September 2, 2017 episode ng ABS-CBN drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

Dito ay naging close ang dalawa.

Pahayag ng dalaga tungkol sa paglipat ni Xian ng talent management, “Sobrang happy ako na part na rin siya ng Viva family at sana maka-work ko siya uli.”

Nag-usap ba sila tungkol sa paglipat ni Xian sa Viva?

“During the MMK days, na-mention ko lang sa kanya, ‘Uy, bakit di ka mag-Vi….” sabay tawa at iwas ni Shy sa camera.

So, tinanong niya si Xian kung gusto nitong magpa-manage sa Viva? Anong sabi ng aktor sa kanya?

Tumitirik-tirik ang mata ni Shy na sinabing, “Hindi ko na maalala!”

Nagkukuwentuhan sila ng mga nangyayari sa kanilang career?

Sabi ng 22-year-old actress, “I mean, ganun naman talaga pag artista, di ba?

“Napapag-usapan namin yung mga situation ng mga bagay-bagay, about our management, kumusta yung career…

“Kaya ko rin na-mention na, 'O, bakit? Ganun-ganun!'”

Nagulat ba siya sa desisyon ng aktor? O may idea na siya tungkol dito?

Paglilinaw ni Shy, “Hindi niya ako sinabihan, pero narinig ko lang rin na, ‘O, magbi-Viva na pala si ano, ganyan!’ ‘Oh, nice…’”

Ano ang nilu-look forward niya sa paglipat ni Xian sa Viva?

“Well, yun nga, na sana ay makatrabaho ko siya.

“Na mas maraming projects na makasama ko siya at maraming projects for him.”

Kung sakaling magkatrabaho sila at gawin silang love team, hindi ba siya natatakot ma-bash ng KimXi fans o ng tambalan nina Xian at Kim Chiu?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Shy, “Noong MMK, hindi naman ako binash ng mga fans nila at mababait naman yung mga fans nila.”

Pero kung sakali, handa na ba siya sa posibleng negatibong komento mula sa fans?

“Well, part naman kasi yun ng showbiz, e. Noong mag-showbiz ako ay part na yun!

“Ewan ko, siguro parang dumadaan lang siya kung sakaling maka-experience man ako ng ganun.

“Pero dun sa mga KimXi fans, please lang, huwag niyo akong i-bash,” pakiusap pa ni Shy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN