Is Carlo Aquino's tweet about "matalik na kaibigan" alluding to Angelica Panganiban?

IMAGE Sam Navalta

Is it possible for ex-lovers Carlo Aquino and Angelica Panganiban to get back together? Carlo answers, "Ayaw ko naman isarado yung ganung possibility."


Marami ang kinilig nang mag-tweet si Carlo Aquino kaninang umaga, January 25, tungkol sa "matalik na kaibigan" na gusto niyang "maging matalik na pag-ibig."

Sabi ng Kapamilya actor sa kanyang Twitter post: “Matalik na kaibigan, maaari ba kitang maging matalik na pag-ibig?”

Walang anumang sinabi si Carlo kung para kanino o kung sino ang tinutukoy niya sa tweet.

Gayunman, marami sa mga nag-retweet at nag-reply sa kanyang post ang kinilig at umaasang si Angelica Panganiban ang tinutukoy niyang "matalik na kaibigan."

Inuugnay ng netizens ang tweet na ito ng aktor sa panayam ni Angelica sa Gandang Gabi Vice, na ipinalabas noong Linggo, January 21.

Sabi ni Angelica tungkol kay Carlo, “Matalik kong kaibigan 'yan.

“Ang maganda kasi sa amin, naging magkaibigan kami after. Kasi, nagsimula kasi siya sa friendship.

“Naging magkaibigan kami nang mahabang-mahabang... sabay kaming lumaki, e.

“Ayun, kaya siguro kahit noong nahiwalay kami, walang galit sa amin, maayos yung hiwalayan.”

Anim na taon ang itinagal ng relasyon noon nina Angelica at Carlo.

Sa nakaraang panayam ni Vice Ganda kay Carlo, nabanggit ng aktor na, “Siguro kung matanda-tanda kami nun, siguro kami na ang nagkatuluyan.”

SINO ANG MATALIK NA KAIBIGAN? Nagkaroon ng pagkakataong tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carlo tungkol sa kanyang Twitter post sa live interview para sa promo ng pelikula nila ni Bela Padilla, ang Meet Me In St. Gallen, ngayong Huwebes ng hapon.

Hindi nakasagot nang diretso si Carlo kung bakit may tweet siyang ganun.

“Ano lang... wala, ano lang... di ko alam!” nag-aalangang sagot ni Carlo.

Pagkatapos ay sabi niya, “Running thought lang.”

Sumingit naman si Bela at sinabi sa kanya, “Ganun talaga. Parinig lahat sa social media.

"Post ka ng lyrics, para sa ex mo yun, post ka ng ganun... Post ka ng pagkain, gusto mo ng pagkain."

Sagot naman ni Carlo, “Ganun ba yun? Hindi kasi ako millennial, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Samantala, tinanong ng PEP.ph si Carlo kung may posibilidad na magkatotoo ang hiling ng fans nila ni Angelica na magkabalikan sila.

Sagot niya, “Ayaw ko naman isarado yung ganung possibility.

“Pero sa ngayon, hindi pa kasi tsine-cherish ko yung friendship namin.

“Okay kami as friends, nakakapagsabi ako sa kanya, natatawagan ko na siya.

"Okay kami ngayon, ganun lang."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN