Ruru Madrid defends Gabbi Garcia anew: "Hindi siya salbaheng tao."

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid is hard-pressed to explain that with Gabbi Garcia, what you see is what you get. He says in her defence, "Kapag hindi mo talaga kilala si Gab, talagang medyo magugulat ka rin. Kasi nga po, direct to the point, straight to the point magsalita. Masasabi kong parang taklesa talaga."


Muling ipinagtanggol ng Kapuso actor na si Ruru Madrid ang ka-love team na si Gabbi Garcia sa attitude isyu na ipinaparatang rito.

 Ayon kay Ruru, “Well, sa akin kasi, sa artista normal naman ang mga ganyan.

“Kahit naman po sino, masasabihan niyan. 

“Masasabi ko nga po na ang mga artista, konting kibot, mapapansin na ‘yan.
 
“Kahit nga po simpleng magkamali ka lang ng sinabi mo, nakatatak na sa kanila.

“Kaya para sa akin, normal lang po yun at pinapalakas ko lang ang loob ni Gab na ‘wag niyang isipin yun. 

“Alam naman natin kung ano ang totoo.”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ruru sa grand presscon ng bagong primetime series ng GMA-7, ang Sherlock Jr., na ginanap sa Cities Events Place noong January 22.
 
Magsisimula nang mapanood ang teleserye sa Lunes, January 29, pagkatapos ng 24 Oras.

HURTING FOR GABBI. Aminado si Ruru na nasasaktan din siya kapag nakakarinig siya ng mga negatibong komento tungkol kay Gabbi.
 
Aniya, “Siyempre po, alam ko naman po kung ano ang totoong ugali niya. 

“Pero sabi ko nga, artista kami, normal po yun.”

Pero parang hindi nawawala ang isyu kay Gabbi at ilang beses na ring natanong si Ruru tungkol dito.

Ilang beses na rin niyang ipinagtanggol ang ka-love team, hindi ba siya napapagod?
 
“Never naman po akong mapapagod kahit kailan kasi, alam ko naman po ang totoo,” saad niya.
 
“Kapag hindi mo talaga kilala si Gab, talagang medyo magugulat ka rin.

“Kasi nga po si Gab, direct to the point, straight to the point magsalita.  Masasabi kong parang taklesa talaga.”
 
Nasanay na ba si Ruru pamamaraan ng pagsasalita nito, na “parang taklesa?”
 
“Hindi naman po sa nasanay,” tanggi niya.

“Kumbaga, kailangan pong intindihin bawat anggulo bago isipan ang isang tao na ganun. 

“Si Gab, hindi ko masasabi na sobrang bait… lahat naman tayo may pagkakamali rin sa buhay natin.
 
“Pero hindi siya salbaheng tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

EXPLORING OTHER SCREEN PARTNERS. Ano nga ba ang pagkakakilala ni Ruru kay Gabbi?
 
“Si Gabbi, no sugar coat kapag nagsalita; kapag may sinabi siya, gusto niya yung totoo. 

“Hindi ko siya nakitaan ng kaplastikan.

“Para sa akin, mas okey po yung ganun kesa yung ipinapakita mo yung hindi ikaw.”

Bago sila pagsamahin muli ni Gabbi ngayon sa Sherlock Jr. naipareha na siya sa ibang mga Kapuso female stars. 
 
Masaya raw si Ruru na muling nabalik ang love team nilang dalawa.
 
Aniya, “Parang natural na natural na yung ginagawa namin kasi three years na kaming magkatrabaho.

“Parang ang gaan-gaan na, ang kumportable na namin sa isa’t isa.”
 
Pero wala raw kaso kung ipareha si Ruru sa iba, “With Gabbi, siyempre, ang saya-saya ko dahil kilalang-kilala ko na siya.

“And makatrabaho ko man ang ibang artista, kumbaga, natututo rin po ako sa iba.”
 
May pakiramdam ba si Ruru na nalilimitahan siya na maging malapit o magpakita ng interes sa ibang babae dahil may ka-love team siya?
 
“Hindi ko po masasabi ‘yan,” mabilis niyang sagot.
 
“Ngayon kasi kapag nagkakagusto ako, hanggang gusto lang, hanggang crush lang, paghanga.

“Pero kapag sa mga bagay na hihigit pa run, wala po muna sa isip ko yun.”
 

ON JANINE. Isa sa dalawang leading lady ni Ruru sa Sherlock Jr. ay si Janine Gutierrez.

Kumusta itong katrabaho?

Napangiti si Ruru, “Si Janine, she’s very nice, she’s very professional. 

“Talented actress, kumbaga, sobrang saya sa set whenever she’s around.”
 
May dumadalaw ba kay Janine sa taping nila?
 
“Wala po, walang dumadalaw,” mabilis niyang tugon.
 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN