K Brosas rants about unpleasant experience in spa and wellness center

IMAGE Instagram

K Brosas took to Instagram to rant about her bad experience in a spa and wellness center in Quezon City.


Idinaan ni K Brosas sa social media ang kanyang hinaing tungkol sa isang spa and wellness center sa Timog, Quezon City.

“Sensya na ha... pero sobrang bwisit ako at now Lang mag ra rant...” simula ng post ng "Tawag Ng Tanghalan" judge ngayong Sabado ng madaling araw, July 27.

Sa mahabang Instagram post ni K, ikinuwento niya na mag-isa siyang nag-“check in” sa establishment at sa simula pa lamang ay tinanong kung mayroon nang available na massage therapist.

“[P]ara Hindi ako mag intay... KC HINDI AKO MAG STAY KUNG MAY WAITING!!” lahad niya.

“[M]aliwanag yon na akala ko naiintindihan nyo, KC NGA MUKHA PO AKONG TANGA MAG ISA!!”

Paliwanag ni K, hindi naman daw iyon ang unang beses niya sa spa center.

“PERO.... ANYAREEEEE?? Tinanggap nyo ako bilang client (walang kinalaman showbiz or even mag isa ako!) sinabihan nyo ako na ok na deretcho nako at may available na therapist...”

Pagkabihis daw niya at pinagbigyan ang mga gustong magpa-picture, hindi raw niya nagustuhan ang sumunod na sinabi sa kanya.

“[S]asabihan nyo ako na AFTER 1 HOUR PA AVAILABLE THERAPIST KO???!!” himutok niya.

Pag-uulit ni K, “[M]aliwanag ana bago ako pumasok, ang sabi sa front desk, may avail at walang waiting time... kaya nga ako tumuloy kahit mukha akong shunga mag isa eh?! Pero dami pala nakapila??!”

Dugtong pa niya, “NAG BAYAD AKO NG TAMA! Walang discount o 'face value!!' umalis ako na bayad kahit wala akong na achieve na services nyo...”

Katwiran pa ni K, hindi raw siya nag-demand ng refund pero hindi niya itinago ang kanyang pagkabwisit.

“Sensya na Po pero sobrang BAD TRIP akey talaga lalo na sa ilang beses ko nang napuntahan na lugar.

“[Sana] wag nyong ulitin sa iba!!”

Kalmado raw umalis si K pero bwisit siya sa nangyari.

Nanawagan din siya sa post niya na ayusin ang serbisyo ng nasabing establishment.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakipag-ugnayan ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Wensha Spa ngayong hapon upang hingan sila ng kanilang reaksyon hinggil sa isyu.

Nakiusap ang staff member ng establishment na tumawag pagkatapos ng 30 minuto.

Binalikan ng PEP.ph ang contact person ng spa pagkatapos ng kalahating oras, pero hindi na ito nakausap dahil nasa meeting daw.

Ilalathala kaagad ng PEP.ph ang kanilang panig oras na magbigay sila ng kanilang official statement.

Sensya na ha...pero sobrang bwisit ako at now Lang mag ra rant... Excuse me Lang po sa mga Taga WENSHA TIMOG!!! Magisa ako nagpunta kahit napakaraming tao.. Kc wala akong choice kaya Keri Lang, MAG ISA akong nag “Check in” ... sa umpisa pa lang sobrang Tinanong ko na Kung may available na therapist etc.. para Hindi ako mag intay... KC HINDI AKO MAG STAY KUNG MAY WAITING!! maliwanag yon na akala ko naiintindihan nyo, KC NGA MUKHA PO AKONG TANGA MAG ISA!! Again Di ko itutuloy Kung mag iintay ako ng matagal... gusto ko lang Magpa massage kc infer sa INYO!! Sarap ng massage nyo lalo na foot at back kc ilang beses ko ng na try na ok naman ang eksena at masaya ako sa service nyo... PERO.... ANYAREEEEE?? Tinanggap nyo ako bilang client (walang kinalaman showbiz or even mag isa ko!) sinabihan nyo ako na ok na deretcho nako at may available na therapist.. again kahit mag isa ako (now lang nangyari to infer!) .. nung naka Bihis nako at sandamakmak na pics mula Kung kanino man ( Di naman issue yon, pinagbigyan ko naman lahat, sa pagkakakaalam ko) .. sasabihan nyo ako na AFTER 1 HOUR PA AVAILABLE THERAPIST KO???!! Uulitin ko... ANYARE??!! maliwanag na bago ako pumasok, ang sabi sa front desk, may avail at walang waiting time... kaya nga ako tumuloy kahit mukha akong shunga mag isa eh?! Pero dami pala nakapila??! Anong klaseng service yan?! Wag nyo isipin na “artista” ako... Kc dedma naman! Sana inisip nyo man Lang na MAG ISA PO AKO, at sinabihan nyo ako na Meron AVAILABLE para Di ako mag antay etc... NAG BAYAD AKO NG TAMA! walang discount o “face value!!” Umalis ako na bayad kahit wala akong na achieve na services nyo na dapat ALAM NYO KUNG ILAN LANG TAO NYO AT ILAN LANG PWEDE NYONG asikasuhin.... wag kayo mag over booked!!! Post ko to now kc sobrang bwisit ako!! At Karapatan ko to! Hindi nga ako nag tanong man Lang sa “refund” kc sa inyo na yan tutal ANG DAMI NYONG COSTUMERS AT DEDMA KAYO SA ORAS Ng I bang tao! Bwisit!! Sensya na Po pero sobrang BAD TRIP akey talaga lalo na sa ilang beses ko ng napuntahan na lugar!! Saan wag nyong ulitin sa iba!! ako kalmado ako umalis kahit bad trip.. umuwi ng bwisit!! Sensya na, honest lang Po! Ayusin nyo services nyo WENSHA TIMOG! ????????

A post shared by Carmela Brosas (@kbrosas) on


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN