Jessy Mendiola rebukes basher who said marriage is the only proof of love

IMAGE Instagram

Jessy Mendiola supports boyfriend Luis Manzano against basher who challenged the TV host-actor to marry the actress to prove his love for her. Jessy says marriage is not the only way to prove someone's love.


Para sa Kapamilya actress na si Jessy Mendiola, hindi lang sa kasal nasusukat ang pagmamahal.

Noong Sabado, January 27, isang basher ang nagkomento sa Instagram post ni Luis na naglalaman ng sweet message para kay Jessy.  

Hinamon ng basher si Luis na pakasalan na si Jessy kung talagang mahal ng TV host-actor ang aktres.

Sinabi pa ng basher na iiwan din ng I Can See Your Voice host si Jessy kapag pinagsawaan na niya ito.  

Hindi pinalampas ni Luis ang komentong ito ng basher.

Sabi niya, “te, bakit ako mag aajdust sa yo? Wag aanga anga... Te, 2018 na, gamitin ang utak, wag puro nega , baka slightly used palang utak mo ha, sayang.”

Kahapon, January 28, si Jessy naman ang sumagot sa basher.

Ayon sa 26-year-old Kapamilya actress, "Hindi lang naman marriage ang proof of love, madaming paraan yun. 

"Di ko talaga gets bakit nagmamadali sila.

"Eh, ang kasal naman, di naman joke 'yan na gagawin mo lang just to prove something.

"It's something more than that."


Stories We Are Tracking

Luis tells basher:
Luis tells basher: "Bakit ako mag-aadjust sa 'yo?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN