John "Sweet" Lapus recalls first encounter with late director Maryo J. delos Reyes

IMAGE File / Facebook page of ToFarm

Malaki ang pasasalamat ni John "Sweet" Lapus kay Maryo J. delos Reyes dahil ang yumaong direktor ang nagbigay-daan sa kanya upang makapasok sa pelikula. 


Ikinabigla ng showbiz industry ang pagpanaw ng award-winning director na si Maryo J. delos Reyes noong Sabado ng gabi, January 27.

Artista, mga tauhan sa likod ng kamera, maging mga kaibigan ng batikang direktor ay nagluksa sa kanyang biglaang pagpanaw dahil sa atake sa puso, sa edad na 65.


Stories We Are Tracking

Maryo J. delos Reyes passes away at 65
Maryo J. delos Reyes passes away at 65

Isa sa mga naghayag ng kalungkutan sa pagpanaw ng batikang direktor ay ang komedyanteng si John "Sweet" Lapus.

Sa kanyang Facebook post kahapon, January 28, binalikan ni Sweet kung paano siya nagsimulang umarte sa isang pelikula.

Kuwento niya, “1993. Fresh from college. My 1st job: Video Researcher for then #ShowbizLingo.

“My 1st coverage: Shooting of Kuya Roderick Paulate's #BalaAtLipistik sa Chicos Bar sa Timog.

“Pagdating namin ng back-pack cameraman, chinika ako agad ni Direk Maryo J. Delos Reyes. 'Anong show ka?' say niya.

"Sabi ko, 'Showbiz Lingo po. Bago lang po ako.'

“Aba, may follow up siya. 'San school ka graduate?'

"Sagot ko, 'UST po. Member po ako ng Teatro Tomasino na isa po kayo sa founder.'

“Tapos sabi niya, 'Kaya pala ang lakas ng dating mo.' Tapos take na.”

Naghihintay raw siyang makakuha ng maraming footage para sa gagawing istorya sa noo'y sikat na showbiz talk show ng ABS-CBN, ngunit biglang naiba ang kuwento dahil pina-makeup-an siya ni Direk Maryo upang gawing extra sa Bala at Lipistik.

Pagpatuloy na kuwento ni John, “Scene: Nagkamaling pumasok ang straight na kakambal ni Bambie sa isang gay bar.

“E, nandon ang kaaway ni Bambie na grupo ng mga bakla. May isang baklang extra na lalapit kay Jun Lalin (leader ng mga bakla) at sasabihing, 'Mother, di ba si Bambie yon?'

“After makailang take nong baklang extra. Kinakabahan yata.

"Narinig ko na lang sa tabi ko ang mahinahong boses ni Direk Maryo J. 'Palitan na yan. Etong si baklang Showbiz Lingo pamake-upan nyo na. Taga-Teatro Tomasino ito.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayun! My 1st movie: #BalaAtLipistik may close-up pa ko nong tutukan ako ng straight na kakambal ni Bambie.

“Mamiss ka namin Direk Maryo J. Salamat. +RIP.”



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN