Bela Padilla calls out netizen who questioned her blood relation with Daniel Padilla

IMAGE Noel Orsal / Instagram

Bela Padilla calls out a netizen for doubting her blood relationship to Daniel Padilla. Bela and Daniel are second cousins.


“We are blood related.”

Ito ang kabuuan ng mensahe ni Bela Padilla matapos magkaroon ng talakayan ang netizens tungkol sa tunay na ugnayan nila ni Daniel Padilla.

Nagsimula ang lahat nang mag-post ang aktres ng larawan nila ni Daniel na kuha sa backstage ng ASAP nitong Linggo, January 28.

Caption ni Bela, “ASAPEneROAR with el couzzo.”

May isang netizen ang nagkomento at kinontra ang caption ni Bela na “couzzo” o cousin niya si Daniel.

Hindi raw magpinsan ang dalawang Kapamilya stars.

Sumagot ang bida ng upcoming movie na Meet Me in St. Gallen.

Sabi ni Bela, second cousins sila at kadugo niya si Daniel.


Tinanggap naman ng netizen ang pagkakamali, pero nagpaalala si Bela na maging maingat sa mga binibitawang salita kung hindi naman sigurado.

“baka next time seryosong bagay na yung masabing mali tapos makasakit,” bahagi ng sagot ni Bela.


Binigyang-linaw rin ni Bela kung paano sila naging magkadugo ni Daniel: ang kanyang lola ay kapatid ng lola ni Daniel na si Eva Cariño.

Anak ni Eva ang ama ni Daniel, ang aktor na si Rommel Padilla.


Samantala, binatikos ng ibang followers ni Bela ang netizen dahil mali nitong impormasyon.

Nakiusap naman si Bela na itigil ang pamba-bash sa netizen.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN