Janella Salvador says Elmo Magalona is not her boyfriend

IMAGE Noel Orsal

Janella Salvador on her relationship status: "Wala pa akong boyfriend."


Ito ang dahilan kaya na-reschedule ang pagpapalabas ng Maalaala Mo Kaya episode na kinatatampukan niya at ng provincial show sana niya sa Isabela. 

Sa kanyang pag-recover ay inalagaan siya ng kanyang loveteam partner at rumored boyfriend na si Elmo Magalona.

Dahil dito ay tinanong siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung mas masarap sa pakiramdam ang may nag-aalagang boyfriend kapag nagkakasakit.

“Boyfriend? Hindi ko alam, e, wala pa akong boyfriend!” natawang pagtanggi ni Janella.

Sa isang banda, aminado naman ang dalaga na iba talagang may nag-alaga sa kanyang lalaki.

“Actually, it’s the first time na may guy talaga na nag-alaga sa akin.

“And I can say na I’m really thankful that he’s around.

"Ang laki rin ng naitulong niya noong may sakit ako.

“He kept me positive about it.”

Paano mag-alaga si Elmo?

“Paano siya mag-alaga? Talagang hindi niya makakalimutan na i-remind ka, like sa gamot.

“Kung gusto mo ng food, bibilhan niya ako ng food.”

Natawa na lang si Janella nang tanungin namin kung wala bang nagbawal kay Elmo na alagaan siya o dalawin noong may sakit.

“Wala naman,” sagot niya.

Aminado rin si Janella na ngayon pa lang ang unang pagkakataong naging malapit siya sa isang lalaki, at si Elmo nga yun.

“This is the very first time na naging close ako sa isang guy and I’m glad na siya yun.

“Kasi, when I got to know him, napaka-caring niyang talaga. I’m glad that it’s him.”

Napangiti naman si Janella nang tanungin kung worth it maging “you and me against the world” ang kanilang love story ni Elmo.

Aniya, “Ayokong maging you and me against the world kami.

"Ayokong umabot sa ganun and I don’t think it’s right."

Nang tanungin si Janella tungkol sa diumano’y disgusto ng mommy niyang si Jenine Desiderio kay Elmo at sa relasyon nila ngayong mag-ina, naging tikom na ang bibig ng young actress at nakiusap na hindi na ito pag-usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro for me lang, sana ano na lang, all the people talking about it will respect about my privacy na lang, even what she did was not so private.”

Noong Disyembre ay nag-post sa social media si Jenine tungkol sa isang "gatecrasher" sa kanilang family reunions. Ang tingin ng ilang fans ay si Elmo ang tinutukoy ni Jenine.


Stories We Are Tracking

Janella keeps mum about
Janella keeps mum about "gatecrasher" post of mom Jenine

Nakausap ng PEP.ph si Janella sa presscon ng Regal Entertainment, Inc. movie na My Fairy Tail Love Story, sa Valencia Events Place, Quezon City, kahapon, January 29.

MEMORABLE VALENTINE'S DAY. Ngayong Valentine’s Day, sina Janella at Elmo ang siguradong magkasama dahil sa first day showing ng My Fairy Tail Love Story.

Ano ang pinaka-memorable Valentine niya?

“Ano nga ba, ano ba ang ginawa ko last Valentine’s?

“Nagwu-work kasi ako palagi tuwing Valentine’s Day and, to be honest, wala pa kong memorable Valentine’s Day!” natawang sabi ni Janella.

May pagka-hopeless romantic ba siya?

“I’m someone in the middle of being a hopeless romantic and... basta gusto ko, you always never let your guard down.

"Even if hopeless romantic ka, on guard ka pa rin."

Ang mag-travel pa rin daw ang ideya niya ng dream date.

Ayon kay Janella, “Gusto ko talaga yung nagta-travel. Go around the world with someone else.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN