Bela Padilla insists she and Zanjoe Marudo are only friends: "Ayaw naming guluhin ang isa't isa."

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla says she hasn't met the guy who will make her slow down at work, which is her main focus now. "Parang feeling ko ay mababalanse ko na ang trabaho ko at personal life ko, kapag may na-meet na akong tao na ganun ang ipinaramdam sa akin. Na worth it na huminay-hinay ako. E, wala pa naman."


Kinumpirma ni Bela Padilla na magkaibigan pa rin sila ni Zanjoe Marudo, pero hanggang doon lang daw ito.

Kaya huwag na raw munang bigyang kulay ang anumang namamagitan sa kanila, dahil hindi naman daw ito totoo.

Hindi nga raw niya alam kung manliligaw si Zanjoe sa kanya, pero ang importante ay hindi napuputol ang kanilang pagiging magkaibigan.

Pahayag ni Bela, "Okey naman, okey naman kami.

"Nag-usap kami recently. I think, last week, okey naman.

"Nanligaw na? Wala, wala pa naman.

"Hindi po, wala, wala."

Ito ba ay dahil taga-showbiz si Zanjoe kaya nag-aalangan siya?

Sabi naman ng aktres, "Wala, wala akong preference, e."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa media conference ng pelikulang Meet Me in St. Gallen, na ginanap sa Plaza Ibarra, Quezon City, noong January 26.

Ang pelikulang itong idinirek ni Irene Emma Villamor at handog ng Spring Films ang kauna-unahang pagtatambal nila ni Carlo Aquino.

Patuloy ni Bela, wala pa siyang nakikitang lalaking sa tingin niya ay worthy upang mabawasan ang focus niya sa trabaho.

Sabi niya, "Yun nga ang sinasabi ko kanina, na parang feeling ko ay mababalanse ko na ang trabaho ko at personal life ko kapag may na-meet na akong tao na ganun ang ipinaramdam sa akin.

"Na worth it na huminay-hinay ako. 

"E, wala pa naman.

"So, hindi natin mapi-predict kung showbiz o non-showbiz."

Hindi pa ba ipinaramdam ni Zanjoe sa kanyang siya ang ganitong klaseng lalaking hinahanap niya?

Ayon kay Bela, "Kasi, ganun din siya, e.

"Ganun din siya sa point ng buhay niya na yun na yun.

"Masaya siya sa trabaho niya, kaya parang ayaw naming guluhin ang isa't isa."

Sa tingin ba niya ay potential boyfriend naman si Zanjoe?

Paliwanag ng 26-year-old actress, "Hindi ko pa masabi, e.

"Hindi ko pa kasi siya kilala on that [level]... siguro, siguro po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, nakikita ko naman na lahat ng past relationships niya ay matagal din naman.

"E, ganun din akong klaseng tao.

"Pero yun nga, hindi natin puwedeng i-judge hangga't wala pa, wala pang nangyayari."

Ganunpaman, ano ang magagandang qualities ng Kapamilya actor?

Pabirong sabi ni Bela, "Tao siya. Hahaha!

"Yun na lang. Yun na lang ang criteria ko ngayon.

"Tao ba siya o bagay, o hayop."

Pero seryoso niyang dagdag, "Masyadong malawak yung tao... ano, mabait.

"Yun na lang po muna. Wala, e."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN