Rommel Padilla proud to say that son Daniel is a one-woman man

IMAGE Noel Orsal

Rommel Padilla's love advice to son Daniel Padilla and Kathryn Bernardo: "Be straight and true to each other."


Aminado si Rommel Padilla, 52, na naging tatak ng Padilla brothers ang pagiging mapagmahal sa babae.

Pero gusto raw niya ang pagiging stick to one ng anak na si Daniel Padilla, 22, sa girlfriend nitong si Kathryn Bernardo, 21.

Pahayag ni Rommel, “Ayoko naman na kung anong dinanas ng tatay, dapat danasin ng anak, especially when it comes to women.

“Kung ako maraming dumaang pag-ibig sa buhay ko, ako, hindi ko ina-advice sa kanya yun.

“Hangga’t maaari, isa lang makilala mong babae, isa lang babae na kasamahan mo sa buhay, perfect!” 

Anong ibinibigay niyang love advice kay Daniel?

Sagot ni Rommel, “Hanggang silang dalawa ay nagmamahalan, tuloy lang. Be straight and true to each other.

“Yun lang naman ang sinasabi ko, especially kay DJ.

"Lagi naman niya sinasabi, ‘Iba ang pagka-Padilla ko’ dahil one-woman man siya."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rommel pagkatapos ng presscon para sa iniendorso nila ng kapatid na si Robin Padilla, ang Bravo food supplement, na ginanap sa Black Mamba compound sa West Avenue, Quezon City, kahapon, January 30.

Kuwento ni Rommel, saksi siya sa tibay ng pagmamahalan nina Daniel at Kathryn.

Kahit na noong mga panahong hindi pa umaamin sina Daniel at Kathryn tungkol sa kanilang relasyon, napapansin na raw ni Rommel ang pagiging malapit ng dalawa.

As early as 2014, naiulat ng PEP.ph na magkarelasyon na sina Daniel at Kathryn.

Ngunit noong early 2017 lang naging bukas ang dalawa sa pagsasabing sila na.


Stories We Are Tracking

<p>Kathryn and Daniel in a relationship, say sources</p>

Kathryn and Daniel in a relationship, say sources

<p>Rommel Padilla reacts to ’confirmed’ relation

Rommel Padilla reacts to ’confirmed’ relation

Bela Padilla still in contact with Neil Arce and Angel
Bela Padilla still in contact with Neil Arce and Angel

Bago mag-Pasko noong 2017 ay naka-bonding pa ni Rommel ang anak.

Nagkukuwento ba si Daniel tungkol kay Kathryn?

Sagot niya, “Oo naman. Super Bal niya ‘yan, di ba? Si Kathryn, ganun din.

“Hindi lang sila. Pati si Min, si Karla, at pamilya, talagang sobra ang bonding.”

Si Min Bernardo ay ina ni Kathryn, at si Karla Estrada ang ina ni Daniel.

May mga pagkakataong nakakasama rin daw ni Rommel ang young couple.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo minsan, nagkakaroon naman ng pagkakataon. Kapag may mga shows, ganyan, konting kain-kain.”

Boto raw siya kay Kathryn, lalo na’t nakikita niyang masaya ang anak sa piling ng dalaga.

Ayon pa kay Rommel, sa tingin niya ay The One na ni Daniel si Kathryn.

“I guess! Kasi kasasabi lang niya recently, di ba? Kakaiba yung nararamdaman niya kay Kathryn.

“Sinasabi ko nga kanina, as long as mapapanindigan mo yung true love mo till the end, so be it.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN