Kim Chiu tweets about camera stolen from dressing room

IMAGE Bernie Franco

ABS-CBN star Kim Chiu took to Twitter to lament about her stolen camera. 


Nanakawan ng camera sa isang dressing room si Kim Chiu.

Nag-tweet ang Kapamilya actress nitong Huwebes ng madaling-araw, February 1, upang ibahagi ang pagkawala ng kanyang gadget.

Base sa tweet ni Kim, hindi ito ang unang pagkakataong may nakawang nangyari sa naturang dressing room.

“I'm probably one of those people na may nanakawan sa dressing room na yun…

“There must be something in that dressing room 18!

“May God enlighten you kuya or ate… hay…..” mensahe niya.

Nag-alala naman ang supporters ni Kim sa nangyari.

May mga nagtatanong kung bakit walang CCTV sa naturang dressing room. 

Umaasa raw silang makonsensiya kung sinuman ang nagnakaw sa camera dahil posibleng mahalaga kay Kim ang mga litrarong kuha rito.

Ibinahagi naman ni Kim ngayong umaga ang screenshot ng trending topics, kung saan kasama ang kanyang pangalan. 

Nagtatanong ang aktres kung bakit siya nag-trend. 

Sagot ng supporters ni Kim, posibleng dahil ito sa pag-attend niya sa premiere night ng Paddington 2 para suportahan ang onscreen partner na si Xian Lim, pati na rin ang tungkol sa kanyang camera na nanakaw. 

Si Xian ang nagboses sa main character ng naturang Hollywood film.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN