Alice Dixson says Direk Maryo J. delos Reyes made her an actress: "I was the worst actress when I started."

IMAGE Mark Atienza

Alice Dixson says she was just a pretty face when she started in showbiz, but director Maryo J. de los Reyes made her an actress. "He really spent time, he spent tears, love, he shared his passion, he shared his creativity and he shared himself," the actress said about the late director.


Utang na loob daw ni Alice Dixson sa yumaong direktor na si Maryo J. de los Reyes ang kanyang pagiging aktres.

Inilahad ito ni Alice sa kanyang eulogy sa burol ni Direk Maryo sa Loyola Memorial Chapel, sa Commonwealth Avenue, Quezon City, nitong Miyerkules, January 31.  

Pumanaw ang 65-anyos na direktor noong January 27 dahil sa heart attack.


Stories We Are Tracking

Celebs, colleagues mourn death of Direk Maryo
Celebs, colleagues mourn death of Direk Maryo

Sa kanyang pagbabalik-tanaw, inilahad ng 48-anyos na aktres kung paano siya tinulungan ni Direk Maryo J. sa kanyang karera.

Inamin ni Alice na hindi siya isinilang na may kakayahan sa pag-arte.

Pinagtiyagaan daw siyang turuan ni Direk Maryo J., na kung tawagin ni Alice ay “My director” dahil sa tagal ng kanilang pinagsamahan.

“The truth is there are two kinds of actors—and I’m sure the directors will agree.

"There are the actors who are born natural actors and there are ones that you need to develop the talent.

“Of course, I was the worst actress when I started.

“I was actually a pretty face, but Direk invested in me.

“He really spent time, he spent tears, love, he shared his passion, he shared his creativity and he shared himself,” pag-aalaala ni Alice.

Hinimok ni Alice ang mga dumalo sa burol na sundan ang magandang ehemplo ni Direk Maryo J.

“He’s a teacher. Mag-share din tayo ng gifts natin like he did—share our time with others, share our passion, our love, our dreams, our vision to other people.”

CRUSH ON DIREK MARYO J. Pagtatapat pa ni Alice, nagkaroon siya ng crush sa direktor.

Sinabi raw niya ito kay Direk Maryo J. sa second-day ng shooting ng ginagawang pelikula.

Nginitian lang daw siya ng direktor.

Bukod sa pelikula, ginawa rin nila ang Regal Drama Presents: Alice, isang weekly drama anthology na pinagbidahan ni Alice at idinirehe ni Direk Maryo J.

“That crush became an admiration, and that admiration became inspiration that I brought with me all throughout my career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Naging close daw sila dahil sa weekly drama anthology.

“We were working on a movie, we were doing TV, lagi kaming magkasama, so I started opening up to him.

“We shared, stories, we shared music, we shared books.

“And the age gap was I was 18 and he was 38.

“But I really looked up to him. He was like my inspiration.”

Isa pa sa kanilang pinagsamahang pelikula ay ang 1990 dramatic film My Other Woman, kasama sina Christopher de Leon at Lani Mercado.

LAST TALK TOGETHER. Ang huling pag-uusap naman nila ay ilang araw bago sumakabilang buhay ang direktor.

Kuwento ni Alice, “He asked me if I could be in a project with him.

“May gagawin na naman siyang pelikula and, of course, I was excited.

“This movie would be like our comeback.

"And we talked about love, we talked about lost, and I know where he was coming from, and I really wanted to do this movie with him.

“But days later, I found out [about] the sad news, and I realized na hindi na natin siya makakasama.” 

Ang huling alaala raw niya sa yumaong direktor ay ang masayang hitsura nito ilang saglit bago ito pumanaw.

“And I thank God I would remember him dancing at that party that he attended.

“That’s the way I want to remember my Direk… masaya… living life the way he liked to live his life.

“Not everything goes your way, but you always look on the bright side of things.”  


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN