Maja Salvador puts an end to reconciliation talks with ex-boyfriend

IMAGE Courtesy: @iammajasalvador on Instagram

Aminado si Maja Salvador na imposible na silang magkabalikan ng kanyang ex-boyfriend. Naka-move on na raw kasi siya mula sa kanilang hiwalayan.


Ayon kay Maja Salvador, kapag tapos na ang isang relasyon sa kanya ay imposible na siyang makipagbalikan sa nakahiwalayan.

Tanong kasi ng isang veteran writer sa Kapamilya star, “Kung may babalik ba, siya pa rin ang kanyang iibigin?”

Sagot ni Maja, “Basta ba huwag lang lalaki talaga.

"Kasi, once na tapos na po ako dun sa relationship na yun, tapos na po talaga.

"Dahil, kunwari, kung sa ilang taon naming pagsasama, alam kong ibinigay ko na po ang lahat, kung naramdaman kong hindi niya yun nabalik, at hindi ako inirespeto or hindi nasabayan yung pagmamahal, parang tapos na po. Parang ganun.”

Sundot pang tanong ng showbiz writer, “Sabihin na lang namin na hindi na siya iibigin muli?"

Sagot ni Maja na nakangiti, “Hindi na talaga po, kung sino po 'yang naiisip niyo.”

Mahahalata namang ang tinutukoy ng showbiz scribe ay ang ex-boyfriend ni Maja na si Gerald Anderson, na may kakatapos lamang ding teserye sa ABS-CBN, ang Ikaw Lang Ang Iibigin.

Naghiwalay sina Maja at Gerald noong 2015.

Pero hindi na ito naipaliwanag pang mabuti ni Maja dahil patapos na noon ang thanksgiving presscon ng kanyang pinagbibidahang teleserye na Wildflower, kahapon, January 31.

Nagpaunlak man ang aktres ng ilang tanong sa isang one-on-one interview, hindi na natalakay ang tungkol sa kanyang naunang pahayag.

REVENGEFUL? Hindi rin daw pumasok sa isip ni Maja ang maghiganti sa taong nanakit sa kanya sa totoong buhay.

Ito ay taliwas sa mapangahas niyang karakter na si Lily Cruz sa Wildflower.

Sa presscon pa rin kahapon, inusisa ng media kung bakit hindi siya naging ‘revengeful’ sa buhay.

Sagot ng 29-year old Kapamilya actress, “Hindi po. Naniniwala kasi [ako] na babalik din sa 'yo kapag naging masama ka sa ibang tao, e, parang ganun po.

“So, kung ako may nagawa akong kasalanan, magsu-sorry ako.

“Kung may nagawa silang kasalanan sa akin, aantay[in] ko yung araw na makakapag-sorry na lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang ganun po. Pero walang revenge, revenge kasi, babalik talaga sa 'yo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN