Aiko Melendez asks netizens to stop bashing Jomari Yllana and his female partner

IMAGE Courtesy: Timmy Basil

Nais itama ni Aiko Melendez ang balitang hindi pa rin daw siya naka-move on kay Jomari Yllana. Nakiusap din siya sa netizens na huwag siyang ikumpara sa live-in partner ng ex-husband dahil hindi raw ito tama. 


Nakiusap ang aktres na si Aiko Melendez sa netizens na tigilan ang pangba-bash sa kanyang ex-husband na si Jomari Yllana at partner ng aktor na si Joy Reyes.

Nakarating sa Wildflower actress ang balitang nakakatanggap ng pambabatikos mula sa ilang netizens ang bagong karelasyon ni Jomari.

Ito ay dahil tila may mga tagahanga sina Aiko at Jomari na umaasang magkakabalikan pa sila.

Ngunit malabo na itong mangyari dahil buntis ngayon si Joy sa anak nila ni Jomari.

Sa pamamagitan ng Facebook ngayong Biyernes, February 2, nagbahagi si Aiko ng kanyang “final statement” tungkol sa isyu.

Ayon sa aktres, masaya siya para sa ex-husband na magkakaroon ito ng bagong baby. Wala raw itong halong kaplastikan.

Pahayag ni Aiko, “Rewind: Wednesday, Wildflower arranged a presscon for our finale week. Normal setting of a presscon is when you get the chance to interact with media people.

“They get to ask you any issues, questions about anything. I was asked, 'Ms. Aiko, ano po reaction niyo manganganak na partner ni Jomari?'

"Without any hesitation, no bitterness, hatred, no showbiz answer…

“I said, 'I am sincerely happy because a baby is always a blessing.'

"That answer is purely sincere lalo na when the topic is about a baby.”

Sa finale presscon ng Wildflower noong Miyerkules, January 31, mariing pinabulaanan ni Aiko na magsasampa siya ng kaso laban kay Jomari dahil malapit na itong maging ama ulit.

Dagdag pa ng aktres, matagal nang annulled ang kasal nila ni Jomari kaya sana ay tigilan na ang mga haka-hakang magbabalikan sila.


Stories We Are Tracking

Aiko Melendez denies filing a case against Jomari Yllana
Aiko Melendez denies filing a case against Jomari Yllana

WORRIED FOR JOY. Sa kanyang "final statement" sa FB, sinabi ni Aiko na nag-aalala siya sa maselang kalagayan ngayon ng partner ni Jomari.

“Why? Because I am a mother of two also. I know how much joy a baby can bring to us.

"I even said and reminded some press not to ask any romantic questions about me and Jomari, simply because I know how emotional a woman can be when she is pregnant, and I don’t want also for people to have that false hopes about Jomari and I...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa showbizness kasi kapag nagkakahiwalay gusto magkabalikan, kapag magkasama naman kayo gusto gawan ng intriga…

“Many years I kept my silence , all because I was thinking how my kids will handle something if I become emotional about certain things...

“If I become vocal... There is only one person who knows my hurts, woes about Jomari, and that's mader Ogie Diaz.

"Still, if mader Ogie wanted an issue, and for me to be talked about... but we both choose to keep quiet, all because of Andre...

“And all because I am a mother who choose to sacrifice my feelings all for my kids..."

Si Ogie Diaz ang tumatayong manager ni Aiko.

Si Andre naman ang anak nina Aiko at Jomari.

Patuloy ng aktres sa FB pa rin, "Now sa mga di po nakaka alam at di po naiitatama ang lahat ng balita? Matagal na po kaming hiwalay ni Jomari, di lang po hiwalay sa salita pero annulled po kami.

"So, technically speaking, we are both single... So, I really don’t get the logic here why sue Jomari for having a baby?

"I have no right and even if I have the right, it's never my nature to retaliate by attacking someone publicly...”

BOTH HAPPY IN LIFE. May nakarating pa raw sa aktres na balitang hindi siya masaya na may bago nang karelasyon ang dating asawa.

Kaya naman gusto rin niya itong itama.

Saad ni Aiko sa FB, “Sa mga nagtatanong, naka-move on na ba ako ke Jomari? Matagal na po... madami nang nangyari sa aming pareho, Both good and bad...

“And pls. don’t find it all for show when I say that I am the happiest when Jomari is at his happiest too.

"It's coming from my heart. I want Jom and I and the people around us to move on too, as we both did.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And pls to the people who are doubting if I am really happy now and gumagawa lang ako ng story na I am happy na di naman totoo na i have someone special, and who are attacking me in saying na nakikipag-compete ako ke Jomari sa happiness nya?

"E, di itanong nyo uli ke mader Ogie diaz.

“Nakilala na nya, and lagi ko hinaharap sa kanya kung masaya ako. And I ask also for privacy for now because we are both enjoying the private time we have na wala muna intriga,

“But di po ako madamot makikilala nyo po din sya soon! Salamat po....

"Sa mga fans namen ni Jomari, may I request also to refrain from bashing Joy and comparing her to me...

"Not fair! We appreciate your support but please let's be level headed that sometimes some good things never last and better things can come.

“Ogie Diaz mader You know the truth... sana wag ako ung gawing negative sa issues...”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN