IN PHOTOS: Kapuso stars pay tribute to director Maryo J. delos Reyes

IMAGE Noel Orsal

(From left) Julie Anne San Jose, Ruru Madrid, Miguel Tanfelix, and Lovi Poe pay tribute to late director Maryo J. delos Reyes.


Binansagang "Kapuso Night" ang ikatlong gabi ng burol ng yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes nitong Huwebes, Pebrero 1.

Nakalagak ang mga labi ni Direk Maryo J. sa The Loyola Memorial Chapels & Crematorium, sa may Commonwealth Avenue, Quezon City.

Pumanaw ang award-winning director noong Sabado ng gabi, Enero 27, habang nasa isang party sa Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Maliban sa pagdidirek ng mga teleserye, katuwang din ng Kapuso network si Direk Maryo sa paghubog sa Kapuso artists sa pamamagitan ng acting workshops.

Sa eulogy para sa yumaong direktor kagabi, inalala ng ilang GMA artists ang pakikipagtrabaho at naging interaksiyon nila rito.

Naging emosyunal ang iba sa kanila, partikular na sina Ruru Madrid at Miguel Tanfelix na naging talents ni Direk Maryo.

Halos lahat ng Kapuso stars na dumating kagabi ay nakasuot ng puting damit.

Narito ang ilang mga kuha sa "Kapuso Night" sa burol ni Direk Maryo J.:

Hindi napigilan ni Ruru ang mapaiyak habang nagsasalita dahil itinuturing niyang ama-amahan si Direk Maryo J.

Malapit din kay Miguel Tanfelix ang yumaong direktor dahil nagsilbi rin itong talent manager niya.

Nakatrabaho ni Lovi Poe si Direk Maryo sa mga teleseryeng Little Star (2010) at Someone To Watch Over Me (2016).


Julie Anne San Jose


Si Direk Maryo ang naging direktor ni Max Collins sa kanyang first lead role sa Kapuso network, ang Pahiram ng Sandali (2012). Nagkatrabaho silang muli sa teleseryeng Someone To Watch Over Me (2016).


Nakiramay rin ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes, kasama ang Super Ma'am actor na si Jerald Napoles. Nakatrabaho ni Dingdong si Direk Maryo sa mga Kapuso prime time series na Pahiram Ng Sandali (2012) at Pari 'Koy (2016). 


Sumaglit din sa burol ang Pambansang Bae na si Alden Richards.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Namataan din sa burol ang Comedy Queen na si Ai-Ai delas Alas (gitna), kasama ang mister niyang si Gerald Sibayan at ang direktor na si Joyce Bernal.


Naging emosyunal si Katrina Halili habang nagsasalita. Si Direk Maryo ang nagdirek ng kauna-unahang lead role ni Katrina sa isang teleserye, ang Magdusa Ka noong 2008.


Nagbigay-pugay rin ang aktor at direktor na si Ricky Davao, na nakatrabaho ni Direk Maryo J. sa ilang proyekto.


Kabilang sa mga pelikula ni Snooky Serna na idinirek ni Direk Maryo J. sa bakuran ng Regal Films ay ang mga sumusunod: Schoolgirls (1982), Don't Cry For Me Papa (1983), Anak Ni Waray vs Anak Ni Biday (1984), Mga Kwento Ni Lola Basyang (1985), at Stupid Cupid (1988).


Jean Garcia


Rhian Ramos


Bianca Umali


Assunta de Rossi and Carla Humphries


Naghandog ng awitin si Isabella de Leon para kay Direk Maryo J., na nakatrabaho niya sa pelikulang Magnifico (2003).


Ali Sotto


Pancho Magno at ang misis niyang si Max Collins


Ashley Ortega


Ayra Mariano


Phythos Ramirez (kaliwa) at Rob Moya



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN