Megan Young on Catriona Gray joining Binibining Pilipinas: "I'm rooting for her."

IMAGE Instagram

Miss World 2013 Megan Young (left) on Miss World Philippines 2016 Catriona Gray (right) joining Binibining Pilipinas 2018: "I know in my heart she's going to place very well, and I think we all know what that is."


Hindi makapaniwala si Miss World 2013 Megan Young na limang taon na ang nakalilipas mula nang tanghalin siya bilang kauna-unahang Pilipina na nanalo ng Miss World crown.

Hanggang ngayon, hindi pa nasusundan ang tagumpay ni Megan.

Pero confident ang former beauty queen na muling makukuha ng Pilipinas ang Miss World title.

Pahayag ni Megan, "Meron ‘yan, naniniwala talaga ako na meron ‘yan.

"Kasi, every year naman na may lumalaban, I always hope na, 'Sana ito na, sana ito na.'"

Naniniwala rin si Megan na malaki ang tsansa ni Miss World Philippines 2016 Catriona Gray na manalo sa coronation night ng Binibining Pilipinas 2018, na magaganap sa Smart-Araneta Coliseum sa March 18, 2018.

Para kay Megan, walang masama sa ginawa ni Catriona na subukan ang kapalaran nito sa Binibining Pilipinas.

Saad niya, "Yes, of course, why not?

"If there’s an opportunity for someone to shine, why not?

"I think she has it in the bag, I’m rooting for her.

"Ayoko naman i-jinx… mga ganoon.

"I know in my heart she’s going to place very well, and I think we all know what that is."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa grand launch ng bago niyang teleserye sa GMA Network, ang The Stepdaughters, na ginanap sa Prime Hotel, Sgt. Esguerra, Quezon City, kagabi, February 2.

INTIMIDATED? Samantala, pinabulaanan ni Megan na-intimidate si Katrina Halili na sampalin siya sa confrontation scenes nila sa The Stepdaughters dahil sa kanyang Miss World title.

"Hindi naman, walang ganoon.

"I mean, it’s an achievement that I had, that I will always treasure it, but I think the way we are, aside from the achievements that we’ve had, even with Katrina, we focus on each other because we’re helping each other talaga.

"So, things like that don’t get in the way."

Sabi pa ni Megan, "Sabi ko nga, 'Kat, pareho tayong Avengers, tapos the Avengers are ruling the show now.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sina Katrina at Megan ay mga produkto ng StarStruck, ang reality-based artista search ng GMA Network.

Contestant si Katrina ng Season 1 at sumali si Megan sa Season 2 ng StarStruck.

Ngayon, ang dalawa ang mga bida sa The Stepdaughters, ang afternoon drama series ng GMA-7 na magsisimula sa February 12.

Ito ang ipapalit sa timeslot ng Impostora, na magwawakas sa February 9.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN