Kim Chiu supports Xian Lim's decision to leave Star Magic

IMAGE Instagram

Kim Chiu on Xian Lim's decision to leave Star Magic and sign up with Viva: "Wala, parehas lang naman yun, e, management lang naman yun. Choice niya yun, suportahan naman kaming dalawa, kaya wala namang problema."


Tiniyak ni Kim Chiu na walang magbabago sa samahan at kahit na sa tambalan nila ni Xian Lim.

Ito ay sa kabila ng pag-alis ni Xian sa bakuran ng Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN, at pagpirma ng kontrata sa Viva Artists Agency at Viva Films.

Sabi ni Kim, “Wala, parehas lang naman yun, e, management lang naman yun.

“Choice niya yun, suportahan naman kaming dalawa, kaya wala namang problema.”

Inalis din ni Kim ang agam-agam at pag-aalala ng KimXi fans na ang paglipat ni Xian ng management ay simula na rin ng pagkabuwag ng kanilang tambalan.

“Wala naman, parang nagpa-management lang din ako sa iyo.

“Parang ganun lang yun.

“Tuloy? Oo naman.”

Isang malaking desisyon ang ginawang paglipat ni Xian sa bakuran ng Viva.

Nagpaalam o nagsabi ba sa kanya si Xian bago ito nagdesisyong lumipat.

Tugon ng Kapamilya star, “Hindi naman niya ako magulang, wala naman.

“Susuportahan ko naman kung saan siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Kim sa story conference ng comedy-horror film na gagawin niya para sa Star Cinema, noong Miyerkules, January 31.


Stories We Are Tracking

Xian Lim leaves Star Magic and moves to Viva
Xian Lim leaves Star Magic and moves to Viva
Xian Lim to Star Magic:
Xian Lim to Star Magic: "There will never be any goodbyes."

NEW LEADING MAN. Excited daw si Kim sa comedy-horror movie na pagtatambalan nila ni Ryan Bang, kung saan kasama rin ang iba pang mga komedyante ng Kapamilya network.

Saad niya, “Masaya, na-miss ko na ring gumawa ng comedy na pelikula, tapos kasama ko pa si Direk Tony Y. Reyes.

“'Tapos makikita mo pa ang mga kasama ko, ang saya lang ng pakiramdam.

“Nakaka-excite na pumunta ng taping, tatawa ka lang kahit hindi kami nagte-take.”

Ayon pa kay Kim, “Comedy ito na may kasamang horror, yun ang genre namin.

“Tatakutin kayo ng mga ito, pero patatawanin namin kayo.

“Kung natakot sila sa Ghost Bride, patatawanin naman namin sila dito, nagsama pa ako ng mga kasama.

“Of course, Direk Tony Y. Reyes, grabe, pinaunlakan niya tayo dito sa Star Cinema, kaya abangan nila itong bago naming pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Si Ryan Bang ay leading man ko, mga kaibigan.

“He is the new leading man for 2018.”

Nagpapasalamat naman si Kim sa magandang finale ratings ng daytime series na Ikaw Lang Iibigin, kung saan muli silang nagtambal ng ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson.

Sabi niya, “Nakakatuwa yung suporta ng mga tao.

“Sana tumuluy-tuloy ang suporta nila sa akin sa pelikulang gagawin ko ngayon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN