Teejay Marquez reveals reason why he can't do local projects yet

IMAGE Courtesy: @teejaymarquez on Instagram

Indonesia-based actor Teejay Marquez is currently starring in an Indonesian teleserye, Siapa Takut Jatuh Cinta (Who's Afraid To Fall In Love?).


August 2017 noong lumipat si Teejay Marquez sa ALV Talent Management Circuit.

Kasabay nito ang pagpirma rin niya ng kontrata bilang bagong Regal Entertainment artist.


Stories We Are Tracking

Teejay Marquez dismisses gay rumors hounding him
Teejay Marquez dismisses gay rumors hounding him
Teejay Marquez denies nose job rumors
Teejay Marquez denies nose job rumors

Pero hanggang ngayon ay tila wala pang nangyayari sa kanyang showbiz career sa Pilipinas mula noong naging big hit siya sa Indonesia noong 2016.

Ito ay bunga ng kanyang dubsmash videos na pumatok sa kanyang libu-libong teen fans sa Indonesia, kaya siya naimbitahang gumawa ng ilang proyekto roon.

Nagsimula siya mag-artista noong 2011 bilang isang Kapuso. Pagkatapos ng apat ng taon ay lumipat siya sa ABS-CBN. 

Kamakailan lang ay kinumusta namin ang Indonesia-based actor sa pamamagitan ng direct messaging sa Instagram kagabi, February 2.

Ayon sa kanya, kasalukuyan siyang nagtagal sa Indonesia dahil may ginagawa siyang teleserye doon, ang Siapa Takut Jatuh Cinta (Who’s Afraid To Fall In Love?) para sa SCTV.

See You! ????

A post shared by @ teejaymarquez on

November 2017 ito simulang umere sa nasabing bansa.

Siapa Takut Jatuh Cinta hari ini 18:00 wib SCTV

A post shared by @ teejaymarquez on

Sagot pa niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Indonesia pa din, may teleserye ako ginagawa.

“Tapusin ko lang ‘tong teleserye ko dito 'tapos babalik na ng Pilipinas.”

Ang Siapa Takut Jatuh Cinta (Who’s Afraid To Fall In Love?) ay local adaptation nila ng sikat na sikat na Taiwanese drama series noon na Meteor Garden.

Dagdag pa niya, “Dapat gagawa na 'ko ng film sa Regal kaso di ako makauwi dahil sa serye.

“Number 1 din kasi yung show dito kaya medyo hindi makahanap ng free time.”

Hindi pa rin daw niya alam kung kailan matatapos ang show dahil mataas daw ang ratings nito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN