Vice Ganda cancels Vigan show to undergo kidney stone surgery

IMAGE Instagram account of Vice Ganda

Vice Ganda had to cancel his appearance in a festival yesterday, February 3, to undergo surgery because of his kidney stones.


Hindi natuloy ang show ni Vice Ganda sa Kannawidan Festival sa Vigan, Ilocos Sur, kahapon, February 3.

Ito ay dahil kinailangang sumailalim ng ABS-CBN comedian-TV host sa isang surgical procedure dahil sa kidney stones.

Ayon sa announcement na inilathala ng official Facebook page ni Vice, nakaranas ng "severe abdominal pains" ang It's Showtime host kaya kinailangan niyang maoperahan agad.

Saad sa announcement, "Vice had to go through a surgical procedure due to kidney stones which have caused him severe abdominal pains.

"Once recovered, Vice will re-schedule his visit in Ilocos Sur."

Absent din si Vice sa episode ng It's Showtime kahapon, kung saan ginanap ang semi-finals ng singing contest na"Tawag ng Tanghalan."

Sa kasalukuyan ay wala pang balita kung ano ang resulta ng naging operasyon ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN