Sunshine Cruz grateful to ABS-CBN for bringing back her self-esteem

IMAGE Arniel Serato

Sunshine Cruz on ABS-CBN: "We all know na I started out as a sexy star. Nagkapangalan tayo before bago ako ikasal, malaki boobs… aminin natin. Malaki boobs lang, sexy… yun lang, e. Pero ang ABS-CBN talaga ang tumulong sa akin makapagtrabaho ulit, maibalik ang self-confidence natin, makapag-provide tayo sa mga bata. Kaya forever na malaki ang utang na loob natin sa ABS CBN."


Bagamat hindi pa tapos ang annulment case nila ng estranged husband na si Cesar Montano at may depekto ang mga mata niya, masaya pa rin ang aktres na si Sunshine Cruz sa mga nangyayari ngayon sa kanyang buhay.

Pahayag niya, “Naku, I’ve never been happier!

“Kahit baluktot ang mata ko ngayon at may deformity tayo, may mga blessings na dumadating sa atin. 

“Naibalik ang aking self-esteem na nawala for the longest time, and maraming tao na nagpapaligaya sa atin at sa mga bata.”

Ang tinutukoy ni Sunshine na mga bata ay ang mga dalagitang anak nila ni Cesar na sina Angeline Isabelle, Angel Franchesca, at Samantha Angeline.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa farewell presscon para sa ABS-CBN drama series na Wildlfower nong January 31.


Stories We Are Tracking

Sunshine Cruz to undergo serious eye surgery
Sunshine Cruz to undergo serious eye surgery

THANKS TO ABS-CBN. Ayon sa 40-year-old actress, ang Kapamilya network ang nagbalik ng kanyang self-esteem.

Paliwanag nito, “Ang laki ng utang na loob ko sa ABS-CBN. 

“Nung down na down ako noong 2013, sila ang isa sa unang-unang nagtiwala sa akin at nagbigay ng proyekto.

“We all know na I started out as a sexy star.

“Nagkapangalan tayo before bago ako ikasal, malaki boobs… aminin natin. Malaki boobs lang, sexy… yun lang, e.

“Pero ang ABS-CBN talaga ang tumulong sa akin makapagtrabaho ulit, maibalik ang self-confidence natin, makapag-provide tayo sa mga bata.

“Kaya forever na malaki ang utang na loob natin sa ABS CBN.”

Noong 2013 nakipaghiwalay si Sunshine kay Cesar na nauwi sa kanilang legal battle.

Noong taong ding iyon kinuha ng ABS-CBN si Sunshine upang maging bahagi ng teleseryeng Dugong Buhay, na pinagbidahan ni Ejay Falcon.

MACKY MATHAY. Kabilang din ba sa nagpapasaya sa buhay ni Sunshine ngayon ang rumored boyfriend niyang si Macky Mathay?

Si Macky ay half-brother ni Ara Mina sa ama nilang si Chuck Mathay.

Ayon kay Sunshine, “Yun nga ang sabi ko, it’s just safe to say na kung sinuman ang parte ng buhay ko ngayon, masayang-masaya ako ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Dahil hindi lang ako minamahal kundi tanggap din pati yung past, present ko, at mahal na mahal pati mga anak ko.”

Naniniwala pa ba siya sa kasal matapos ang failed marriage nila ni Cesar?

Sagot ni Sunshine, “Sa ngayon, hindi ko maisip.

“Ang inisip ko, yung ma-nullify ang mga dapat na ma-nullify muna, di ba?

“Kasi, ang pagpapakasal naman, madali lang ‘yan, e, di ba?”

Suportado raw ng mga anak ni Sunshine ang estado ng kanyang love life.

Hindi pa nga lang daw nila napag-uusapan kung papayag ang mga itong ikasal siya muli.

Saad ng aktres, “They are happy naman ngayon na nakikita nilang masaya rin naman ang nanay nila, pero hindi namin napag-uusapan ‘yan ngayon. 

“Ang napag-uusapan namin ay yung mga dapat tapusin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN