Rafael Rosell visualizes marrying girlfriend Valerie Chia in 2020

by Rose Garcia
Feb 6, 2018
Rafael Rosell is not setting a definite timetable to wed his girlfriend Valerie Chia as it may jinx his future plans with her: "Ayoko siyang presyuran. Ayoko siyang iudlot by saying na this is it, it's gonna happen at this and that time."

May sarili nang bahay na ipinapagawa si Rafael Rosell at maayos ang takbo ng kanyang showbiz career.

Higit sa lahat, masaya siya sa relasyon nila ng non-showbiz girlfriend na si Valerie Chia.

Kasal na ba ang kasunod?

“Ayokong mang-udlot, e,” pakli ni Rafael.

“I’m very happy with my relationship right now, ayoko siyang presyuran.

“Ayoko siyang iudlot by saying na, 'This is it, it’s gonna happen at this and that time.'

“All I want to say is very positive… like, the sweetness, lumalabas naman sa social media.

“Pero yung main relationship namin, we keep it private talaga.

“Although public figure ako, I’ll share what I have to say.

"Pero yung sa amin, sa amin talaga."



Sabi pa ng 35-year-old actor, “Relationship is a very intimate thing and, I think, a lot of marriages or relationships fail pagdating sa showbiz.

“Kasi ang dami nang involved when it’s just supposed to be between couples, di ba?

“All I have to say is that I’m very happy with the relationship right now.

Continue reading below ↓

“And no comment kung anong prediction ang mangyayari, this year or next year or 2020.”

At nakangiti niyang isinunod, “I have a vision about 2020.”

Sa 2020 ang posibleng kasalan?

“Ikaw ang nag-insinuate niyan, I just said that my vision is 2020!” natatawang sabi ni Rafael.

A MIX OF GOOD AND BAD. Halos isang taon din daw ginawa ng Kapuso actor ang afternoon drama series na Impostora, na magtatapos na ngayong Biyernes, February 9.

Sabi nga niya, “One year in the making, nine months na taping.

“It was a good year para sa akin in terms of work.

"Personal life, ups and down, it was the best and worst year of my life.”

Dahil?

“Ang dami lang kasi, ang daming pinagdaanan ng mga kaibigan ko.

“I tried to be there for them every step of the way.

“Ang dami ring namatay, ang daming ups and down.

“A lot of losses in life, and financially, may mga maling investment na nangyari.

Continue reading below ↓

“Pero, all in all, it was gitnang-gitna.

“Minsan, super good. Minsan, super low.”

Patuloy ni Rafael, “Career was a good year; personal life, it was a very challenging one.

“I think, it was the year that reaped the most lesson sa buhay para sa akin.

“Ang dami kasing nangyari, may mga bagay lang na nangyari sa buhay ko na wala akong control.

“Kahit sumigaw ako, kahit magbayad ako, kahit mag-kick action ako, walang mangyayari.

“The only solution was to sit and wait, wait for the storm to pass.

“Para sa akin kasi, I want things done; I want things done ASAP.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rafael Rosell is not setting a definite timetable to wed his girlfriend Valerie Chia as it may jinx his future plans with her: "Ayoko siyang presyuran. Ayoko siyang iudlot by saying na this is it, it's gonna happen at this and that time."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results