Rafael Rosell airs frustration over unfinished house: "Gusto ko nang magmura. Gusto ko nang ibalita sa news."

IMAGE Noel Orsal

Rafael Rosell is at the end of his rope with the much-delayed construction of his house in Antipolo: "Gusto ko nang magmura. Gusto ko nang ibalita sa news."


Nawawalan na ng pasensiya ang karaniwang cool lang na aktor na si Rafael Rosell dahil sa hindi pa nabubuong bahay na ipinapatayo niya sa Antipolo.

Tila desperado na nga siya sa tono ng kanyang pananalita.

Pahayag ng Impostora actor, “Bago sana ang bahay, kaya lang, five years to build, so luma na siya. 

“May problema sa contractor.

"Ngayon naman, tatlo, apat na buwan na naming hinihintay na mag-install ng kuryente ang Meralco.

“Ang tagal ko nang gustong mag-open up sa press or tawagan si Tulfo, pero anong magagawa nun, di ba?”

Bakit umabot ng limang taon ang construction ng bahay niya? 

Lahad ni Rafael sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Binili ko yung lupa, pinatayuan ko ng bahay, ‘tapos may mga kaibigan si Mommy na may kakilalang contractor daw.

“Pinagkatiwalaan ko, sabi ko, 'Sige, Ma, ikaw na ang bahala.'

"Pero wala namang alam si Mommy. Yung contractor, sila lang ang gumawa.

"Walang project manager, walang tagabantay; ako, pirma lang nang pirma ng tseke. 

“Sabi nila matatapos within a year, then another six months, six more, six more...

"Ngayong Christmas na, last Christmas, biglang gusto ko nang magmura.

"Gusto ko nang ibalita sa news,” himutok niya.

Sobra na raw ang frustration niya, lalo pa't ilang Pasko nang pinaplano ng kanilang pamilya na sa bagong bahay sila magse-celebrate, at yung iba ay manggagaling pa sa ibang bansa.

Sumbong pa ni Rafael, bagong lipat pa lang siya sa GMA-7 nang simulan ang bahay.

Ang proyekto pa lang niya noon ay ang prime time series na Temptation of Wife (2012).

“Doon ko pa lang sinimulan ang bank loan ko, at sabi ko, ‘Okay, it’s gonna be five years of hard work, pero nakatira na ako sa sarili kong bahay.’

“Pero five years, nakatira pa rin ako sa condo at matatapos na ako sa March sa bank loan ko, hindi pa rin ako nakakalipat sa bahay ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatapos na ang dalawang three-year contracts na pinirmahan niya sa GMA-7, hindi pa rin tapos ang bahay ni Rafael.

CONSOLING THOUGHTS. Para gumaan ang kanyang loob, inisip na lang daw ni Rafael na may kabuluhan kung bakit hindi matapus-tapos kanyang bahay.

Aniya, “I’m holding on to this hope na the harder you struggle for something, the greater the reward, di ba? 

“Kung ibinigay lang sa akin yung bahay or natapos sa isang buwan, parang feeling ko, hindi ko siya maa-appreciate.

“Pero sa mga taon na itinagal, feeling ko, nanamnamin ko talaga kapag nakalipat na ako. 

“I’m just looking forward to the positive experience with the house and the long wait I know will be worth it.

“And whatever benefits the house will reap, i-e-enjoy ko talaga to the fullest yun.

"Magkonting housewarming party tayo, tea, coffee."

Dagdag pa ni Rafael, “Very private person ako, I never let in anyone in my condo.

“I never had any plans of asking people to my house.

"Pero I think it’s time to let the people into my life rin.

“Para gumaan nang konti.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN