Erich Gonzales reveals how Kris Aquino becomes her "stage mother"

IMAGE Noel Orsal / Instagram (inset)

Erich Gonzales on why her friendship with Kris Aquino works: "Siguro yung pagiging authentic lang talaga. I mean, hindi naman namin pinu-force yung mga bagay para magmukhang ano... mag-pretend tayo na we're close…"


Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales, 27, kung paano naging “stage mother” sa kanya ang TV host-actress na si Kris Aquino, 47.

Bukod sa mga anak na sina Joshua at Bimby, vocal si Kris sa pagsasabing itinuturing niyang “panganay” na anak si Erich.

Nang tanungin kung binati ba siya ni Kris sa kanyang upcoming ABS-CBN prime time series na Blood Sisters, sinabi ni Erich na hindi nawawala ang mga paalala sa kanya ng una.

Pahayag ng Kapamilya actress, “We keep in touch. She checks on me, like, sabi niya, ‘Grabe, stage mother ako.’

“May mga reminders siya sa akin today, ‘Stop giggling, okay?’

"Sabi ko, ‘Ate, parang ano, mahirap ‘yan, kasi parang ‘yan na talaga ako.’

“'Stop giggling, dapat serious ka, para serious actress.'

"Sabi ko, ‘Alam na nila ‘yan wala tayong itinatago, mahirap magpanggap.’”

Patuloy niya, “And then, yun, cute, kasi lagi, ‘Are you getting enough rest?’ ganyan siya.

“Super sweet. Talagang nandiyan lang siya lagi to support me in everything that I do.”

Paano naging epektibo ang pagkakaibigan nila ni Kris?

Sagot ni Erich, “Siguro yung pagiging authentic lang talaga.

“I mean, hindi naman namin pinu-force yung mga bagay para magmukhang ano... mag-pretend tayo na we’re close…

“Talagang I genuinely care for her kids—si Kuya, kay Bimbs—to the point na kahit wala siya sa house, I go and visit them, di ba?

“Kumbaga, just to let them know nandito si Ate, di ba? Spend lang time with them.”

Sabi pa niya tungkol sa friendship nila si Kris, “Talagang through good times and bad times, we’re just there for each other.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa kanyang solo presscon nitong Lunes, February 5.

BOLDER. Sa teleseryeng Blood Sisters, tatlong karakter ang ginagampanan ni Erich.

Gaya ng kanyang pinakahuling pelikulang Siargao, mapapanood sa trailer ng Blood Sisters ang mas mapangahas na role ni Erich na nagpapakita ng kanyang kaseksihan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi raw siya mangingiming maging daring kung kinakailangan para sa trabaho.

“From the very beginning, yung Katorse days pa lang, di ba, young mother siya.

"So, like, ever since, go tayo sa pag-accept ng mga projects, walang inhibitions,” ani Erich.

Ang Katorse (2009) ay ang launching teleserye ni Erich na medyo mature dahil naging teenage mom siya rito.

Saad pa niya, “Sa bawat project na ginagawa ko, I give my heart, I give my all.

"And ayaw natin ma-disappoint sila ‘cause pagkakatiwalaan ako, then balewala lang for you.

“I’m very passionate with my job. Talagang I take this seriously.” 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN