Jak Roberto not jealous of girlfriend Barbie Forteza's onscreen partner Derrick Monasterio

IMAGE Instagram

Jak Roberto is confident with his relationship with Barbie Forteza, and doesn't mind that she gets paired with a different actor onscreen. When asked what he liked about the actress, he said, "Yung pagiging siya, kung ano siya. Alam ninyo naman si Barbie, masayahin, bubbly."


Wala raw nararamdamang selos si Jak Roberto kay Derrick Monasterio, na siyang kapareha ngayon ng girlfriend ni Jak na si Barbie Forteza sa pelikulang Almost A Love Story. 

Ito ay sa kabila ng muntik nang pagkakaroon ng relasyon nina Barbie at Derrick noon. 

Kampante raw si Jak sa relasyon nila ng kasintahan. 

Ito ang siniguro ng aktor nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa birthday celebration ni Baby Go, producer ng Almost A Love Story. Ito ay ginanap sa Marco Polo Hotel sa Ortigas nung nakaraang Linggo, February 4.

Sagot ni Jak kung nagseselos ba siya kay Derrick: “Never, nagkatrabaho na rin kami ni Derrick before, kilala ko siya.

“Yung tungkol sa kanila, ang alam ko nabalita naman yun dati.

"Confident [sa relationship]? Okay lang, oo naman."

Sabay na dumating sa nasabing birthday party sina Jak at Barbie. At ayon kay Jak, masaya at wala silang itinatago ni Barbie sa kanilang relasyon.

“Happy naman,” aniya. “Ang importante, wala kaming tinatago.”

Ano ang nagustuhan niya kay Barbie?

“Nagustuhan ko sa kanya? Yung pagiging siya, kung ano siya.

"Alam ninyo naman si Barbie, masayahin, bubbly."

SHOWBIZ LIFE WITH SISTER SANYA. Parehong maganda ang itinatakbo ng career ni Jak at ng nakababata niyang kapatid na si Sanya Lopez.

Pagbabahagi nga ni Jak, malaki talaga ang naitulong ng kanilang showbiz career para mabago ang buhay ng kanilang pamilya.

Kuwento niya, “God is good, sobrang happy ako na ganun ang tinatakbo ng career namin.

“Sana yung stability lang, sana yung health, laging good. Sana tuluy-tuloy pa rin ang takbo.

“Malaki [ang naitulong], sa ngayon mas magaan na..."

Patuloy niya, “Siyempre pag nagsisimula ka, mahirap.

“Kahit papaano may mga na-invest na rin naman, ayun, ipon-ipon pa rin.

“Di natin alam kung hanggang kailan may trabaho.

“May bahay na talaga kami, pero dito sa Manila, medyo mahal, siguro ipon muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumuha ako ng pick up last year bago matapos ang taon. 

“Si Sanya rin, nakakuha na siya ng sasakyan kasi kailangan namin sa trabaho pareho.”

NEW TELESERYE. Si Jak ay kapareha ni Glaiza de Castro sa upcoming serye ng Kapuso network na Contessa. 

Sa kabila ng pressure na nararamdaman ay nananatili ang positibong pananaw ng aktor na magugustuhan ng manonood ang pagbibidahang serye.

Lahad ni Jak, “Nagte-taping na kami ng Contessa for afternoon prime kasama si Glaiza.

“She’s a great actress, medyo mabigat kasi yung istorya, pero pag may time kaming magkuwentuhan, nagkukuwentuhan kaming lahat, bonding na rin namin.

“So far, marami-rami na rin yung nabangko namin, so ready na siya for March.”

Patuloy ng binata, “Lagi namang nakaka-pressure talaga every time na may new project, kasi siyempre di natin alam kung susuportahan ba ng tao.

“Minsan kasi di mo matantiya kung ano ang gusto ng tao, so yun ang pressure sa amin.

“Pero naniniwala naman ako sa proyekto, sa direktor namin.

"As long as na pinagtatrabahuhan naman ninyong lahat, magiging maganda ang kalalabasan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN