Erich Gonzales wises up to unworthy relationships: "Know what you deserve."

IMAGE Noel Orsal

Erich Gonzales is not looking, but if someone worthy comes along, she'll give it a thought: "Maraming consideration, kailangang maging wise tayo. Don't settle for anything just because siya yung nandiyan."


May balitang isang guwapo, matalino, at mayamang binata ang nanliligaw ngayon kay Erich Gonzales.

Gumagamit pa nga raw ng private plane ang binata sa tuwing dumadalaw sa Kapamilya actress.
      
Ang source ng balita ay ang kaibigan mismo ni Erich na si Kris Aquino.

Ito ay bilang pagbibigay ng malasakit at suporta ng TV host-actress nang maugnay si Erich kay Paul Soriano, direktor at asawa ni Toni Gonzaga.

Totoo nga bang may masugid na manliligaw ngayon si Erich?

Tugon ng 27-year-old actress, “Ngayon, hindi talaga ako nag-e-entertain… ang focus ko talaga is nasa trabaho, gusto ko lang mag-work.

“I mean, darating naman yun kung talagang sa iyo ang isang tao, ayaw na nating madaliin ang mga ganyang bagay.

“Friendship lang talaga ang mao-offer natin sa ngayon. If they can wait, why not?”
 
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Erich sa presscon ng bagong prime time series niya sa ABS-CBN, ang Blood Sisters, na ginanap noong Lunes, February 5.

Ayon pa sa aktres, kahit sa pakikipag-date ay wala siyang oras.

“I’m speaking for myself, okay?

"For me, yung oras na mayroon ako, day-off ko or free time ko, ipapahinga ko na lang talaga or prepare for next taping, for tomorrow.

“Pag may time na mag-rest, rest talaga. While resting, keep reading the script.

“Pero siyempre, pag may time din, huwag mong kalimutan yung mga bagay na nagbibigay sa iyo ng kaligayahan.

“Like, for me, exercising, working out with my trainer, and playing badminton.”
 
WAITING FOR THE WORTHY MAN. Mas masarap magtrabaho kung mayroong katuwang sa buhay na makakaintindi at magbibigay sa kanya ng suporta.

Ayaw ba ni Erich nang ganoon?

Saad niya, “I feel like there’s more to life than being in a relationship.

“You can be happy naman on your own or find happiness sa ibang bagay or what.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi kapag napagdesisyunan ko na na gusto ko na, kailangan talaga maging wise ka in choosing your next partner.

“Hindi na tayo bata, next step natin, family na ‘yan, building life together.

“It’s very important na yung magiging partner mo, siya na talaga. Hindi lang basta kilig-kilig and all.

“Eventually, in the long run, mawawala naman yung looks, yung body or whatever, yung mag-i-stay talaga is yung character."

Dagdag pa ni Erich, “You have to be with someone na responsible, na okay, ito siya, yung gusto ko na maging father ng children ko or asawa ko.

“You can just talk to him… Maraming consideration, kailangang maging wise tayo.
    
“In every relationship naman, ang pinagpe-pray natin na sana yun na, but may mga bagay na kailangan nating tanggapin.

“Na hindi meant, hindi ukol, hindi talaga para sa iyo, you just have to wait patiently.

“Don’t settle for anything just because siya yung nandiyan, siya na lang.

“Know what you deserve, just wait patiently.

"Eventually, ibibigay din sa iyo ng Diyos yun."
 
CHANGE FOR THE BETTER. Open book na mabigat ang pinagdaanan ni Erich noong 2017 nang nauwi sa hiwalayan ang ilang taon nilang relasyon ng model-actor na si Daniel Matsunaga.

Aminadong nasaktan ang aktres, pero naging hamon din daw ang pinagdaanan niya para i-improve pa ang sarili.
     
Pahayag ni Erich, “Hindi naman secret sa atin na rough yung last year natin, di siya naging madali for me.

“That decision, dumating siya na instead of super sad, self-destruct, ang ginawa natin is gawing positive ang mga nangyari.

“Just say yes to new things, doing things na hindi mo pa nagagawa before.

“Better yourself, not for anyone but for yourself.
    
“New Year, may chance to start again...

"Well, di naman natin kailangang hintayin yung new year para mag-start magbago or may baguhin sa atin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Fresh start talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN