Ogie Alcasid reveals daughter Leila's fascination with local showbiz

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid says his oldest daughter, Leila, had shown interest in local showbiz even when she was still based in Australia. "Nakita ko, nandoon pa lang siya sa Australia, nanonood na siya ng mga LizQuen, KathNiel, alam niya ang AlDub... I realized, gusto niyang maging ganun," he said.


Nasa Australia pa lamang daw si Leila Alcasid ay nabuo na ang interes nito sa Philippine showbiz.

Ayon sa ama ni Leila na si Ogie Alcasid, napansin na raw niyang updated ang 19-year-old daughter sa love teams ng local showbiz

Lahad niya, “Nakita ko, nandoon pa lang siya sa Australia, nanonood na siya ng mga LizQuen, KathNiel, alam niya ang AlDub.

“Sabi ko, 'Anong nangyayari sa batang 'to?' Hindi naman ganun yun.

"I mean, for many years, puro Justin Bieber ang naririnig ko sa kanya; ngayon, iba na.

“Lahat pinanood niya, Barcelona... everything.

“So, when she got here, sabi ko, 'You wanna meet KathNiel?' Kilig na kilig siya.

“I realized, gusto niyang maging ganun. So, yun, kinausap niya ako.”

Kaya hindi na raw masyadong nagulat si Ogie nang malaman niyang gusto ng panganay na anak na subukan ang kapalaran nito sa Philippine showbiz.

Noong una nahihiya pa raw si Leila na magsabi sa kanyang ama.

“Umiiyak, e. Paalis na siya nun [pabalik ng Australia],” pag-alala ni Ogie.

“Hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa akin, baka magalit ako o baka hindi ko tanggapin sa bahay.

“Sabi ko, 'Ano ba, e, anak kita.'

“So, yung nanay niya yung nakikipag-usap sa akin.

“Yung nanay niya ang nagsabi sa akin, 'Ayaw niyang sabihin sa 'yo. But she's wondering if she could live with you.'"

Si Leila ay ang panganay sa dalawang anak ni Ogie sa una niyang asawa na si Michelle Van Eimeren; ang isa pa ay si Sarah.

Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang magdesisyon si Leila na manirahan sa Pilipinas kasama ang kanyang ama, ang stepmother na si Regine Velasquez, at half-brother na si Nate.


Stories We Are Tracking

Leila Alcasid gets warm welcome from dad Ogie and family
Leila Alcasid gets warm welcome from dad Ogie and family

Sa loob ng isang taon, naging endorser si Leila ng isang local clothing brand, naging bahagi ng acting workshops, at kamakailan ay pumirma ng recording contract sa Star Music.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ogie, “Wala naman siyang sinabi kung ano ang gusto niyang specific na gawin.

“Basta ang alam ko, gusto niyang maging artista, maging celebrity.

“Kasi nga, mayroon na siyang fans, even before, mayroon na siyang followers.

“Nakikita niya na parang may potential siya.”

Kung sakali, papayag din ba si Ogie na maging bahagi ng isang love team si Leila?

“Wala namang problema run. Ako pa.

"Ako nga ang numero unong nanunukso dun," tugon ng singer-songwriter.

OGIE'S REQUEST. Isa lang daw ang hiling ni Ogie kay Leila—ang pag-igihan pa nito ang paging matatas sa pagsasalita sa Tagalog.

“Well, nagta-Tagalog lessons naman siya.

“Yun ang medyo balakid sa kanyang growth as an actor.

“Kailangang mag-aral pa siyang mag-Tagalog. Slowly naman.”

Pero pagdating naman sa pakikisama, wala raw problema si Leila.

Pagmamalaki ni Ogie, “She has that vibe na very pleasant siya.

“Di ba, si Michelle, ganun din? Nakuha niya yun, yung pagiging 'pulitiko.'”

Ano naman ang pakiramdam ni Leila sa pagiging bahagi ng showbiz?

“Nao-overwhelm siya, minsan nai-stress,” sagot ni Ogie.

“Sabi ko, 'Anak, ano lang 'yan, enjoy-in mo na lang. Madami diyan mangba-bash pa sa iyo, maging ready ka na.'

“Ako, walang araw na nag-i-inquire sa kanya.

“I mean, I'm happy na nagiging ganun ang takbo ng career niya.

“I can really see a bright future for her, not only she's very talented, but also because maganda ang attitude niya.

“At saka nandito naman kami to guide her.”

Si Ogie raw ang tumatayong manager ni Leila sa showbiz.

May bayad din ba siya as manager?

Mabilis na sagot ni Ogie, “Wa!”

Pabirong kuwento pa niya, “Sabi ko sa kanya, 'Anak, huwag mo na ako bigyan ng komisyon.' 'But, Dad, I wanna...' 'No, no, bili mo na lang ako ng magandang sasakyan.'”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Ogie sa press conference para sa #paMORE concert, noong Biyernes, February 2.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang concert ay gaganapin sa February 10 sa Mall of Asia Arena, Pasay City.


Stories We Are Tracking

Ogie Alcasid explains being emotional over Leila's milestone
Ogie Alcasid explains being emotional over Leila's milestone

“TATAY AT ANAK NA KAMI.” Samantala, ipinagpapasalamat ni Ogie ang naging desisyon ng anak dahil nagkaroon siya ng pagkakataong maging magulang kay Leila.

Mula kasi nang maghiwalay sina Ogie at Michelle, tumira na ang kanyang mga anak sa Australia kasama ng kanilang ina.

“There was an adjustment, there was that getting to know... Ngayon, nag-aaway-away na kami.

“Alam mo yun, naging tatay at anak na kami. We're closer now.

“You know, the first year being with my daughter, ang daming discoveries.

“I'm glad nandun kami sa second level of our relationship na really getting to know each other best.

“Nasusungitan ko na siya, nasusungitan din niya ako.”

Nalaman din daw niya tungkol sa anak, “She's a very malambing daughter.

"She's very way beyond her years, very mature, very prayerful, brave, and very spiritual."

Sa tingin ba ni Ogie ay nabawi na ang ilang taong hiwalay sila ng kanyang anak?

Sagot niya, “Malayo pa yung bawi. It's a good start.

“Madami pa kaming dadaanan. Alam mo yung mga araw na, 'Haaay!'”

Gayunman, malaki pa rin daw ang pasasalamat ni Ogie dahil nabigyan siya ng pagkakataong maging ama sa kabila ng pagiging moderno ng set-up ng kanilang pamilya.

Bagamat hiwalay na, malapit pa rin si Michelle sa asawa ni Ogie na si Regine Velasquez at anak nilang si Nate.

Mabuti rin ang relasyon ni Regine sa mga anak ni Ogie kay Michelle na sina Leila at Sarah, at asawa ng Australian beauty queen na si si Mark Morrow.

“More than anything, grateful ako.

“More than anything, I'm grateful because I get to see my family, I get to see Nate grow, I get to see Leila embark on a new career.

“From my situation, that's really a blessing. Hindi laging ganun sa mga naghihiwalay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think there's a lot of mutual respect and at the end of the day, we're family.

“It's not always perfect, but we always end up understanding each other,” pagtatapos ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN