Elmo Magalona gets closer to Janella Salvador despite her mom's objection

IMAGE Noel Orsal

Elmo Magalona is open about his growing closeness to Janella Salvador, even if her mom, Jenine Desiderio, disapproves. "We're aware naman na sometimes ito ang nangyayari sa totoong buhay," he says, vowing to stay by her side no matter what. 


Maraming nakakapansing may kakaiba kay Elmo Magalona pagdating sa ka-love team na si Janella Salvador.

Mas open at mas masaya raw ngayon ang Kapamilya actor.
 
Komento ni Elmo, “Yes, but I’d like to acknowledge na everything I say and express, that’s not all that I have with my friendship with Janella. 

“Like, I am aware of na hindi ko pa siya puwedeng [ligawan]… I just want to be open.

“And she knows din naman na hindi ko siya binobola.

"Minsan, akala niya binobola ko lang siya."
 
Alam ba ni Janella ang nararamdaman niya para rito?
 
“Sana ramdam niya,” nakangiting sagot ni Elmo.
 
“Sinasabi ko, pero ano naman yung sinasabi, what are words, di ba?

“Action should be shown also, so sana nakikita niya yung mga ipinapakita ko sa kanya.”
 
Alam ng marami na tila tutol ang ina ni Janella na si Jenine Desiderio sa pagiging malapit ng anak kay Elmo.
 
Pero sa kabila nito, tila solid silang dalawa.

“Yes, definitely,” diin ni Elmo.

“Ako, I’m happy na we’re getting closer pa nga.

“I thought it’s going to be… na may hangganan lang yung friendship namin. 
 
“I still get to know her, e, mas nakikilala ko pa siya.

“At ako, I try my best na mas maipakilala pa ang sarili ko sa kanya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Elmo sa press conference ng kanilang pelikulang My Fairy Tail Love Story, sa Valencia Events Place, noong nakaraang linggo.

MORE THAN JUST A FAIRY TALE. Mabilis din ang “yes” na sagot ni Elmo nang tanungin kung mas lalo pa niyang nagugustuhan si Janella habang mas nakikilala niya si Janella.

“She inspires me,” pag-amin niya.
 
Hindi ba talaga nagiging hadlang sa kanya na tila ayaw sa kanya ng ina ni Janella? 
 
Umiling ito at saka sinabing, “It’s part of her life.
 
“Hindi ibig sabihin nun na hindi ko na siya gusto or hindi ko na siya tutulungan bilang kaibigan niya. 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No matter what Janella goes through in life, I’ll support her.”
 
Para palang fairy tale ang love story nila.
 
Natawa si Elmo, “Grabe, we all know naman na fairy tales don’t really exist in real life. 

“I mean, no, no, no! Baka may mga bata, fairy tales exist. Santa Claus is real.
 
“We’re aware naman na sometimes ito ang nangyayari sa totoong buhay. 

“I’m proud naman to say na my life isn’t just a fairy tale. It’s more than just a fairy tale.”

Kumpara noong mga nagdaang taon, mas malalim na raw ang closeness nila ngayon ng ka-love team at rumored girlfriend.
 
Saad ni Elmo, “Definitely naman, me and Janella, we’re both closer now.

“Parang dati, kapag work lang kami nag-uusap or it’s all about our shooting, ganyan. 

“But, right now, we’re closer, even outside of work.

“Like, kapag may sakit siya, gusto kong mawala yung sakit niya.”   

MOST MEMORABLE VALENTINE. Pinaka-memorable na Valentine’s Day daw para kay Elmo ay noong nakasama niya si Janella last year.

Lahad ng binata, “Ang most memorable Valentine date ko was with Janella… kasi napaka-simple lang.

“It was last year, galing kami sa It’s Showtime, nag-promote kami ng something.

“Alam ko naman na hindi talaga pinapayagan si Janella na lumabas, so nagpaalam ako and yun.

“Bumisita ako sa bahay niya, I bought her foods, nagdala ko ng roses for her, that was really memorable.

“Me and Janella naman, we’re both simple people. 

“Ako, for me, ha, as long as kasama ko siya, it’s gonna be memorable… ”

Malamang na silang dalawa pa rin ni Janella ang magkasama ngayong Valentine’s Day dahil ang pelikula nila sa Regal Entertainment na My Fairy Tail Love Story ay ipapalabas sa February 14.
 
Positibo agad ang reaksiyon ni Elmo, “This is gonna be bigger.”
 
May pinaplano daw siya pero, “Secret muna.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN