Barbie Forteza opens up about relationship with Jak Roberto: "He reminds me so much of my dad."

IMAGE Courtesy of GMA Network

Barbie Forteza says boyfriend Jak Roberto reminds her so much of her father: "Parang ako, kung magkakaroon din ako ng asawa in the future, gusto rin katulad ng tatay ko."


Marami ang nakapansin sa sweetness ng magkasintahang sina Barbie Forteza at Jak Roberto nang dumalo sila sa advance birthday celebration ng indie film producer na si Baby F. Go, noong February 4, sa Marco Polo Hotel.

Nang magkaroon ng pagkakataong makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso actress nang gabing yun, inusisa namin siya tungkol dito.

Nakatawang pahayag ni Barbie, "Actually, hindi naman namin intensiyon na ipangalandakan o ipagkalat, ganyan.

"Kaya lang, siyempre masyado kaming malapit talaga kay Ms. Baby Go.

"Yung Laot, yung first movie ko sa BG Productions, siya [Jak] yung asawa ko dun.

"So, talagang nagka-work din kami, di ba?

"And medyo malayo din yung venue kaya magkasama na kami."

So far, so good naman daw ang relasyon nila na wala raw gaanong expectations.

JAK AS A BOYFRIEND. Kumusta naman si Jak bilang boyfriend?

Ayon sa 20-year-old Kapuso actress, "He reminds me so much of my dad. Parang ganun.

"Yung effortless na pag-aalaga.

"Kasi, nakikita ko yun kay Daddy na ginagawa niya kay Mama.

"Yung nagkukusa siya. Hindi namin kailangang pag-usapan na gawin mo 'to.

"Na hindi na kailangang sabihin pa.

"Nakakatuwa naman kasi meron siyang pagkukusa."

Hindi naman daw siya naghahanap ng father figure sa katauhan ni Jak.

Sabi ni Barbie, "Hindi naman father figure, kasi parang napakaano kasi.

"Paano ba? Parang ako, kung magkakaroon din ako ng asawa in the future, gusto rin katulad ng tatay ko.

"Kasi, nakita ko naman talaga sa daddy ko ang pagmamahal niya—makulit, madaldal, laging nanghaharot, kahit minsan bad trip na si Mama.

"Yung ganun... hindi mabigat kasama.

"Madaling kausap, hindi laging galit.

"Gusto ko yung laging ganun lang."

UNEXPECTED. Dahil sinabi niyang halos ganito rin ang kanyang 24-year-old boyfriend, ibig bang sabihin nito ay mas lalo niyang minamahal si Jak?

Tugon ng Amost A Love Story lead actress, "Actually, so far, sobrang masaya ang sitwasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, hindi pa pumapasok sa isip ko yung mawala, yung parteng mawawala.

"Of course, gusto kong tumagal kami."

Hindi raw niya akalaing ganun si Jak nang una silang magkakilala.

Ani Barbie, "Ang una ko talagang impression sa kanya ay mayabang, presko.

"Kasi nga, siyempre, 'Abs Ng Bayan,' e.

"Sa Instagram, laging naka-topless.

"Hanggang sa naka-work ko siya, mabait pala.

"At sinabi niya sa akin na, 'Dito kasi ako nakilala, so kailangan kong gawin.'

"Pero sa totoong buhay, mahiyain siya.

"Kung puwede lang huwag siyang maghubad, di siya maghuhubad.

"So, dun naman ako na-touch."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN