Director Antoinette Jadaone speaks up about delayed shooting of JaDine movie

IMAGE Mark Atienza / Noel Orsal

Director Antoinette "Tonet" Jadaone admits feeling frustrated about delays in shooting for her upcoming movie with James Reid and Nadine Lustre, titled Never Not Love You. "Sumama [ang loob] bilang isang storyteller, bilang isang creator, bilang isang director na mahal yung pelikula." However, she says that she understands Nadine's situation. 


Nagsalita na ang direktor na si Antoinette 'Tonet' Jadaone tungkol sa pagkaka-delay ng shooting ng pelikula nina Nadine Lustre at James Reid, ang Never Not Love You.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News sa premiere night ng Meet Me In St. Gallen noong February 6, natawa lang ang direktor nang tanungin dito.

Sabi niya, "Huwag tayong maniwala sa sabi-sabi. Huwag tayo maniwala sa tsismis."

Hindi na nagdetalye pa si Direk Tonet tungkol sa pagkakaantala ng shooting, subalit tiniyak niyang matutuloy ang pelikula.

"Tuloy po. Na-delay, pero tuloy yung movie."

Subalit inamin din ng female director na sumama ang loob niya sa pagkaka-delay ng pelikula.

Sabi ng 33-year-old filmmaker, "Sumama [ang loob] bilang isang storyteller, bilang isang creator, bilang isang director na mahal yung pelikula."

Nang tanungin tungkol sa mga diumano'y parinigan na naganap sa social media, tumanggi nang magsalita si Direk Tonet.

"Hindi ko alam. Ayoko na magsalita!

"Feeling ko kasi, pinapalaki siya kapag naniniwala sa tsismis, sa mga sabi-sabi."

Subalit naiintindihan daw niya ang naging kundisyon ni Nadine kaya na-pack up ang shooting nila.

Matatandaang sinabi ni Nadine na na-delay ang shooting dahil naging madalas ang kanyang pagkakasakit.

Napag-alaman din ng aktres sa kanyang doktor na mayroon siyang inverted cervical curve.

DID NADINE UNFOLLOW TONET? Noong nakaraang linggo, lumabas ang balitang in-unfollow daw ni Nadine si Direk Tonet sa Instagram.

Subalit ayon kay Direk Tonet, hindi naman talaga siya pina-follow ni Nadine sa social networking site.

"Hindi niya kasi talaga ako pina-follow, so imposibleng i-unfollow niya ako.

"Si James yung nagpa-follow sa akin.

"Nagkaroon yata ng technical something doon sa Instagram niya, parang auto."

Magre-resume daw ang shooting ng Never Not Love You ngayong Pebrero, at nasa 60 percent na ang kanilang natatapos para sa pelikula.

DIREK TONET'S BLOG POST. Noong January 13, Sabado, nag-post si Direk Tonet tungkol sa biglaang pagkansela sa dapat sana'y shooting nila noong araw na iyon, sa hindi malamang dahilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasundan naman ito ng isang blog post noong January 15, kung saan inamin ng direktor na siya ay "worried" sa "erratic" shooting schedule ng kanyang pelikula na tinawag niyang "#foolishmovie."

Hindi man direktang pinangalanan ni Direk Tonet, napagtagni-tagni ng netizens na ito ang pelikula ng JaDine.

Ang orihinal kasing title ng pelikula ay Five Years Later, na naging Here’s To The Fools, hanggang sa nauwi sa final title na Never Not Love You.

Nasundan ito ng iba’t ibang espekulasyon ng netizens tungkol sa pagkaka-delay ng shooting ng pelikula, partikular na sa biglaang pagkansela sa shooting nila noong January 13.

May ilang netizens na nagsabing ang "sobrang kalasingan" diumano ni James ang dahilan kung bakit hindi ito nakasipot sa shooting.

May nagsabi namang nagkasakit si Nadine kaya hindi ito nakarating sa shooting.

Ngunit hindi na nagbigay ng reaksiyon si Direk Tonet tungkol dito.

January 16 at 17 naman nang magpahiwatig si Nadine tungkol sa kanyang health issues sa pamamagitan nang pagbahagi sa Instagram ng X-ray ng kanyang spinal column.

Sa press conference ng pelikulang Changing Partners noong January 18, nahingan ng reaksiyon ang boyfriend ni Direk Tonet na si Direk Dan Villegas tungkol sa espekulasyong naglasing si James noong gabi bago ng dapat sana’y shooting day ng pelikula.

Ngunit ang tanging kinumpirma ni Direk Dan ay "frustrated" si Direk Tonet sa pagkakaantala sa shooting, at bilang isa ring direktor ay naiintindihan niya kung bakit lubos na nababahala ang girlfriend.

Naniniwala raw si Direk Dan na hindi isyu ang pagkakasakit o pagpa-party ng isang artista o sinumang staff sa isang film production.

Ang mahalaga raw ay makapag-deliver ng kung anuman ang hinihingi ng pelikula sa kanila.


Stories We Are Tracking

Tonet Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says BF
Tonet Jadaone frustrated by delay in JaDine movie, says BF
Nadine reveals her health problems caused movie shoot delay
Nadine reveals her health problems caused movie shoot delay
Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting
Nadine Lustre hints at reason for cancelled shooting
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?
Did James Reid and Nadine Lustre cause movie shoot pack-up?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN