Sharon Cuneta posts throwback photo with ex-husband Gabby Concepcion and baby KC

IMAGE Noel Orsal / @reallysharoncuneta on Instagram

Sharon Cuneta goes nostalgic again with post of throwback photo with ex-husband Gabby Concepcion and their daughter KC, who was still a baby then.


Maraming fans nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion ang kinilig dahil balik-tambalan na ang dating mag-asawa at magka-love team.

Hindi nga lang sa pelikula o sa telebisyon, kundi sa isang endorsement.

Kagabi, February 7, nag-post ang Megastar ng throwback photo ng pamilya nila ni Gabby.

Kuha ang dalawang black-and-white photos noong kasisilang pa lang ng nag-iisang anak nilang si KC Concepcion, na ngayon ay 32 years old na.

Caption dito ni Sharon, “Goodnight, Cassandra Concepcion Kaycee-Waysie. I Love you so much, mija. Dulces sueños. Goodnight a tu papá también. (Sweet dreams. Goodnight to your dad too.)"

 

Sina Sharon at Gabby ang isa sa pinakasikat na love teams noong '80s hanggang early '90s.

Unang nagkatrabaho ang dalawa sa pelikulang Dear Heart noong 1981.

Dahil sa tagumpay ng pelikula, kaagad itong nasundan ng P.S. I Love You, na ipinalabas din noong taong iyon.

Nauwi sa totohanan ang kanilang pag-iibigan.

September 23, 1984, ikinasal sina Gabby at Sharon, na pinaghihinalaang buntis noon.

April 7, 1985, ipinanganak ng Megastar ang anak nila ni Gabby na si Maria Kristina Cassandra "KC" Cuneta Concepcion.

Pero makalipas ang tatlong taon, naghiwalay ang mag-asawa.

Ngayon, maligaya na pareho sina Sharon at Gabby sa kani-kaniyang pamilya.


Stories We Are Tracking

KC Concepcion reacts to Sharon-Gabby interaction on IG
KC Concepcion reacts to Sharon-Gabby interaction on IG


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN